Pasok sa Top 21 ang pambato ng Pilipinas sa 69th edition ng Miss Universe na si Rabiya Mateo.
Si Rabiya ang fifteenth candidate na tinawag mula sa top 21 finalist na mag-momove forward para swimsuit competition ng Miss Universe.
Sa video introduction, ibinida ng Pinay beauty ang kaniyang adbokasiya sa kahalagahan ng edukasyon.
Bukod kay Rabiya pasok rin ang mga kandidata mula sa mga sumusunod na bansa:
Colombia
Peru
Australia
France
Myanmar
Jamaica
Mexico
Dominican Republic
United States of America
Indonesia
Argentina
India
Curacao
Puerto Rico
Philippines
Brazil
Great Britain
Nicaragua
Thailand
Costa Rica
Vietnam
Kung papalarin, si Rabiya Mateo na ang ika-limang Filipina na makakapag-uwi ng korona mula sa Miss Universe na huling nasungkit ni Catriona Gray noong 2018 sa Bangkok, Thailand.