• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi nakuha ng Pilipinas ang Miss Universe crown ngayong taon.

Rabiya Mateo, hindi pinalad sa Miss Universe

Hindi nakuha ng Pilipinas ang Miss Universe crown ngayong taon.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

05/17/2021 11:00 AM
Rabiya Mateo, hindi pinalad sa Miss Universe

Suot ang yellow swimsuit at sapatos na likha ng Filipino shoe maker na si Jojo Bragais, flawless na rumampa ang pambato ng Pilipinas sa 69th Miss Universe pageant na si Rabiya Mateo.

Ibinigay man ni Rabiya ang best sa kaniyang naging performance sa Top 21 candidates, hindi na pinalad ang Filipina beauty na mapabilang pa sa next cut para sa pagkakataon na ika-limang korona ng Pilipinas sa Miss Universe.  

RELATED LINK: Rabiya Mateo, pasok sa top 21 ng 69th Miss Uiverse pageant


Samantala, tuloy naman sa kanilang laban ang mga bansa mula sa Dominican Republic, India, Peru, Mexico at Brazil

Huling nasungkit ng Pilipinas ang korona noong 2018 nang manalo si Catriona Gray sa Miss Universe na ginanap sa Bangkok, Thailand.