• Home
  • Fresh Scoops
  • Nasa pre-production stage na daw ang Claudine Barretto and Mark Anthony Fernandez reunion movie.

Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez reunion movie matutuloy na

Nasa pre-production stage na daw ang Claudine Barretto and Mark Anthony Fernandez reunion movie.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

05/17/2021 02:28 PM
Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez reunion movie matutuloy na

Matagal nang inaabangan ng mga solid fans nina Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez na muli silang magsama sa isang pelikula. Tiyak na mautuwa ang supporters ng dalawa dahil mukhang unti-unti nang lumilinaw ang lahat ngayon sa possible reunion movie nina Claudine at Mark.

Ang tambalan ng dalawa ay isa sa most popular love team on screen back in the ‘90s. Nagtambal sila sa blockbuster films na Pare Ko na idinirek ni Jose Javier Reyes at sa Mangarap Ka na idinirek naman ni Rory Quintos. Parehong ipinalabas ang pelikula noong 1995.

Naging real life couple din noon sina Mark at Claudine kaya lang hindi nagtagal ang kanilang relasyon.


Ayon sa source ng PUSH, isang suspense drama ang nakatakdang gawin nina Claudine at Mark mula sa screenplay ni Easy Ferrer. Wala pa raw title ang movie pero nasa pre-production stage na ito ngayon.

Ipo-produce ang pelikula ng Viva Films (ni Boss Vic del Rosario) kung saan contract star si Mark Anthony. Co-producer naman nito ang Borracho Film Productions.

Unang napabalita na ang pelikulang Untrue noong 2020 ang dapat ay magiging comeback movie ni Claudine, pero hindi ito natuloy. Pinalitan siya sa pelikula ni Cristine Reyes na naging kapareha naman ni Xian Lim.

Dating contract star si Claudine ng Viva Artists Agency (VAA), but now she is managed by ALV Talent Circuit of Arnold Vegafria.

Sa nakaraang contract signing ni Claudine bilang bagong artist ng ALV ay ini-announce na si Joel Lamangan ang magdidirek ng kanyang comeback movie, pero ilang linggo pa lang ang nakakaraan ay umugong ang balita na tanggal na ang director sa project dahil may problema sa kanilang dalawa ni Claudine.

Sa huling pag-uusap namin ni Direk Joel ay itinanggi niya ang tungkol dito. “Ako pa rin ang magdidirek ng movie ni Claudine. Tuloy pa rin yon,” paglilinaw pa niya sa amin.