TINGNAN: John Lloyd Cruz, balik-showbiz na

Tuloy na tuloy ang pagbabalik-showbiz ni John Lloyd Cruz.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

05/16/2021 09:59 AM
TINGNAN: John Lloyd Cruz, balik-showbiz na
Photo credit: Crown Artist Management Inc. Facebook Page

Balik showbiz na ang aktor na si John Lloyd Cruz matapos ang halos apat na taong pamamahinga. 

Sa isang post na ibinahagi ng Crown Artist Management Inc., makikitang lumapag sakay ng isang private jet ang aktor. 

Marami naman ang natuwa kasunod ng anunsyong pumirma ng kontrata si John Lloyd sa kumpanya ni Maja Salvador. 

READ: John Lloyd Cruz debuts new look

Sa mga larawang ibinahagi ng Crown Artist Management Inc., kitang-kita ang sigla ng aktor na muling handang sumabak sa industriyang kinalakihan niya. 

Bagama't wala pang eksaktong detalye sa mga dapat abangan sa kanya, marami ang umaasang muli itong mapapanood sa iba't-ibang proyekto. 

2017 nang pansamantalang iwanan ni John Lloyd ang showbiz upang bumuo ng pamilya kasama ang aktres na si Ellen Adarna. 

READ: Ellen Adarna on co-parenting with John Lloyd Cruz: ‘I see how happy my son is when he is around’

Sa kabila ng pagkawala nito sa limelight ng maraming taon, nananatili pa ring isa sa pinakahinahangaang aktor si John Lloyd sa kanyang henerasyon. 

Taong 1997 nang gampanan ni John Lloyd ang kauna-unahan niyang papel sa pelikula. 

Samantala, nakilala naman ang kanyang karakter bilang Rovic sa teen oriented drama na Tabing Ilog.

Nakagawa si John Lloyd ng mga dekelibreng teleserye sa mahigit dalawang dekada niya sa showbiz. 

Kabilang dito ang Kay Tagal Kang Hinintay, It Might Be You, Ikaw Ang Lahat Sa Akin, at Maging Sino Ka Man.

READ: John Lloyd Cruz to have most awaited conversation with Boy Abunda in ‘The Best Talk’

Patok din sa takilya ang mga pelikula niya kaya naman tinagurian din itong Box Office King. 

Ilan sa mga pelikula niyang tumabo sa takilya ang A Very Special Love, Miss You Like Crazy, at My Amnesia Girl.