• Home
  • Fresh Scoops
  • Diretsahang sinagot ni Neri Naig ang mga spekulasyon tungkol sa hindi pagsusuot ni Chito Miranda ng kanilang wedding ring.

‘Para maka-chicks pa?’ Neri Naig, ipinaliwanag kung bakit hindi suot ni Chito Miranda ang kanyang wedding ring

Diretsahang sinagot ni Neri Naig ang mga spekulasyon tungkol sa hindi pagsusuot ni Chito Miranda ng kanilang wedding ring.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

05/16/2021 03:19 PM
‘Para maka-chicks pa?’ Neri Naig, ipinaliwanag kung bakit hindi suot ni Chito Miranda ang kanyang wedding ring
Photo credit: @mrsnerimiranda Instagram

Tinuldukan ni Neri Naig ang mga spekulasyon tungkol sa hindi pagsusuot ng wedding ring ng asawa niya na si Chito Miranda. 

Panimula ni Neri: “Bakit hindi suot ni Chito ang wedding ring niya? Ayaw niya bang suotin? Para maka-chicks pa?” 


Pag-amin ng dating Star Circle Quest contestant at ngayo’y negosyante, maging siya ay hindi na sinusuot ang kanilang wedding ring sa kadahilanang hindi na ito kasya sa kanya. 

Ani Neri: “Ako rin po, hindi ko na sinusuot ang wedding ring ko parang more than five years na ata. Why? Hindi na siya kasya!”

READ: Neri Naig wants to have another baby with Chito Miranda

Paliwanag ni Neri, hindi na niya ito nasuot simula nang magbuntis siya sa kanyang anak na si Miggy.

“Lumaki talaga ako simula nung nagbuntis ako. Gustuhin ko man, ayaw kong maging purple ang daliri ko. Haha! Kaya kung mapapansin nyo, engagement ring lang palagi ang nasusuot ko kase maluwag sya bago kami ikasal, ngayon tamang tama na lang, saklaaap! Hehe! Pero hindi ko rin nasusuot palagi ang engagement ring kase natatakot akong mawala,” ani Neri. 

May sapat na dahilan naman ang asawa niya na si Chito Miranda na aniya ay palaging nakakalimutan ang singsing sa lababo tuwing maghuhugas ito ng kamay. 

“Si Chito, nagtry naman talaga siyang suotin. Kaso palagi niyang naiiwan sa lababo kapag maghuhugas ng kamay kahit saan magpunta. May diamante sa loob yun, sayaaaaang! Baka pwede pa magamit ni Miggy kapag ikakasal na siya (tagal pa yun!),” aniya. 

Hindi naman umano “sensitive” si Neri sa mga ganitong bagay lalo pa’t kampante siya rito. 

“Kaya sabi ko wag na nyang suotin at baka mawala pa. Hindi naman ako sensitive kung may singsing siyang suot. Aba'y alam naman ng lahat na kasal kami at may pamilya na siya,” aniya. 

READ: Neri Naig and Chito Miranda expecting second child

Dagdag pa Neri, sumisimbolo lang ang singsing ng commitment na aniya’y ginagawa naman ng kanyang asawa. 

Ani Neri: “Ang singsing ay simbolo ng commitment. Pero mas gugustuhin ko namang committed siya sa amin, responsible asawa at tatay, kaysa naman suot nga singsing, nakakalimutan pa rin ang ipinangakong commitment sa akin at sa aming pamilya.

“Aanhin mo naman ang singsing kung pinapaiyak ka naman araw araw? Tandaan, wala ‘yan sa singsing, nasa tao ‘yan,” ani pa ni Neri. 

Gayunpaman, tila pabirong sinabi ni Neri na naiinis siya dahil kasya pa rin sa asawa niya ang singsing nito. “And yes, kasya pa rin ang wedding ring niya. Ayun ang unfair!”

Samantala, nagdadalang-tao naman si Neri ngayon sa pangalawang anak nila ni Chito.

Kinasal sina Chito at Neri noong 2014.