• Home
  • Fresh Scoops
  • Ikinatuwa naman ni Marjorie Barretto ang nabuong relasyon ng kanyang mga anak sa kanilang ama na si Dennis Padilla.

PANOORIN: Marjorie Barretto, inaming hindi inasahan ang naging tugon ni Dennis Padilla tungkol sa naging relasyon nila noon

Ikinatuwa naman ni Marjorie Barretto ang nabuong relasyon ng kanyang mga anak sa kanilang ama na si Dennis Padilla.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

05/16/2021 07:58 PM
PANOORIN: Marjorie Barretto, inaming hindi inasahan ang naging tugon ni Dennis Padilla tungkol sa naging relasyon nila noon
Photo Credit to Celestine Gonzaga-Soriano YouTube Channel

Masaya ang aktres na si Marjorie Barretto sa naging tugon ng dating asawa na si Dennis Padilla nang aminin nito sa anak na si Julia Barretto kamakailan ang kanyang naging kamailan sa pagsasama nila noon.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by marjbarretto (@marjbarretto)


 

Sa panayam ni Marjorie kay Toni Gonzaga, inamin ni Marjorie na masaya siya para sa nabuong relasyon ni Dennis sa kanyang anak.

"First of all, I'm happy that they're in that kind of relationship already," ani Marjorie.

Ngunit ayon sa aktres, ni minsan ay hindi niya pinigilang makipagkita ang kanyang mga anak sa kanilang ama.

"People misjudge me thinking na I was encouraging my kids not to have a relationship with their father. As a matter of fact, even Dennis thought for a long time that I was the one preventing him from seeing my kids," saad ni Marjorie.

Read: TINGNAN: Dennis Padilla at anak na si Julia Barretto, muling nagkita

Gusto lamang umano ni Marjorie na magkaroon ng kapayapaan ang kanyang mga anak sa kanilang mga puso.

"I want my kids to have peace with both parents. Kasi I don't want them to harbor hatred and harbor unforgiveness in their hearts. Kasi mabigat 'yun. Lalo na kung magulang mo 'yung kaaway mo. Mabigat. Mabigat dalhin 'yun," saad ni Marjorie.

Hindi naman umano inaasahan ni Marjorie na aaminin ng kanyang dating partner ang kanyang mga naging kamalian noon sa kanilang relasyon.

"He and I have been separated for more than 14 years. I never thought that it would come na he would say na may kasalanan din siya sa breakdown sa marriage namin. That he said naman na it was his temper, his anger," sambit ni Marjorie.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by marjbarretto (@marjbarretto)

"Because for a long time, I was wondering, I was with him for such a long time. I know I was such a good wife. I know was there in more downs than ups. I know that I forgave him over and over and over again," pagbabahagi pa niya.

Read: WATCH: Julia Barretto thanks Dennis Padilla for owning up to shortcomings as a dad

"So I was wondering why he didn't remember me as a good wife or why wasn't he spending that much time with his kids. But that's all over now," pagpapatuloy ni Marjorie.

Samantala, hiling naman ni Marjorie na maging masaya si Dennis ang kasiyahan kasama ang kanyang mga anak.

Panoorin ang vlog sa ibaba:

"I would like for him to continue with his journey as a less angry person para mas ma-enjoy niya the remaining years of his life na he's part of all his children's lives," aniya.

Taong 2007 nang mag-file ng annulment si Marjorie upang mapawalang-bisa ang kasal nila ni Dennis.

May tatlong anak si Marjorie kay Dennis—sina Julia, Claudia, at Leon.

Kamakailan lang ay nagkaroon ng masinsinang usapan sina Dennis at Julia.