• Home
  • Fresh Scoops
  • Kim Molina, mas nakaramdam ng selos dahil nasa lock-in shoot sina Jerald Napoles at Sunshine Guimary.

Kim Molina nag-apologize kay Jerald Napoles dahil sa selos: ‘I’m human also so I felt certain emotions’

Kim Molina, mas nakaramdam ng selos dahil nasa lock-in shoot sina Jerald Napoles at Sunshine Guimary.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

05/16/2021 03:24 PM
Kim Molina nag-apologize kay Jerald Napoles dahil sa selos: ‘I’m human also so I felt certain emotions’

“I’m human also so I felt certain emotions!” Ito ang inamin ng singer-actress na si Kim Molina sa tanong kung totoong pinagselosan niya ang leading lady ng boyfriend niyang si Jerald Napoles na si Sunshine Guimary nungpanahong ginagawa ng aktor ang pelikulang Kaka.

Nainterbyu ng PUSH si Kim sa virtual mediacon ng Viva Films movie na Ang Babaeng Walang Pakiramdam napinagbibidahan nila ni Jerald at follow-up movie nila pagkatapos ng Jowable.

READ: Jerald Napoles, sinabing hindi naging kumportable ang GF sa love scenes nila ni Sunshine Guimary sa ‘Kaka’


Patuloy ni Kim, “Hindi ko rin naman in-expect na magkakaroon kami ng ganoong klaseng movies, but I also thought of that when I did Momol Nights (with Kit Thompson).

“Meron ako na… hindi malayo na gagawin siya ni Jerald. Kasi marami rin ang nagsasabi na babaeng version ako ni Je, at si Je lalakeng version ko, kaya meron akong… gagawa rin siya nang ganito. Hindi ko lang din talaga in-expect na agad-agad.”

Mas nakaramdam pa raw siya ng selos dahil nasa lock-in shoot sina Jerald at Sunshine.

“May certain emotions akong naramdaman, of course. I think ang nagbigay po ng factor dun is that lock-in (yung shooting). So, as a girlfriend, meron akong, ‘Hala, alam ko ang gagawin niya.’ Yung being human ko lang na alam ko gagawin niya. Every day ganyan.

“But at the same time, pinagkatiwalaan ko si Je, and si Jerald naman, he was such a gentleman that he would always tell me what’s happening. Okey naman, actually, nag-video call pa kami ni Je tapos nandoon din si Shine, nag-hi ako,” kuwento pa ni Kim.

Masuwerte naman si Kim na naintindihan daw ng kanyang boyfriend ang nararamdaman niya noon.

Sabi ng aktres, “I’m just going to be very honest again. With Jerald kasi, mas senior po siya na actor so mas gets niya yung, ‘Ganito dapat, kailangan matanggap mo.’ And ako, very honest naman ako, alam po ito ng mga boss (ng Viva), na it was very new to me.

“Hindi ko ito talaga in-expect na ang magiging boyfriend ko nga, eh, artista rin. Hindi ko nga rin po in-expect na magiging artista rin ako. Ang gusto ko lang po, maging singer, mag-release ng mga song. Yon po talaga ang main goal ko in life.

“So, hindi ko ine-expect na magbibida kami sa movies tapos may certain genre po kami na kailangang gawin… It was actually me na mas naging emosyonal. Na kailangan din intindihin ni Jerald na I’m very lucky to have him as my boyfriend who’s very understanding also.”

Naiintindihan na rin daw niya ngayon na hindi niya kailangang maging masyadong emosyonal pagdating sa mga gagawin ni Jerald bilang aktor sa pelikula.
“It was me na kailangan mag-adjust talaga na you have to be professional regarding this because you’re both actors so you have to understand the things he has to do. It was a process for me that I have toa cknowledge the fact that I shouldn’t be too emotional pagdating sa ganitong klase ng trabaho,” pahayag pa niya.

Humingi na rin ng tawad si Kim sa boyfriend dahil sa nangyari.

“Ako naman po,n ag-apologize kay Jerald kung anuman yung emosyon, at okey naman po kami. Hindi naman siya nag-cause ng anything big sa relationship namin. Kailangan niya talaga akong kausapin, hindi naman pakalmahin, pero yung sabihin sa akin na, ‘Kailangan tangggap mo kung hindi, hindi tayo magkakaroon ng trabaho.’

“Inintindi ko naman po. It was a process for me. But right now, I’m okay na!” diin pa ni Kim.

Ipinangako rin ni Kim na mas susuportahan pa niya ang boyfriend sa mga susunod nitong project at hindi na rin daw siya magre-react kahit pa magpakita ng puwet si Jerald sa pelikula.

Ang Babaeng Walang Pakiramdam ay mula sa direksyon ni Darryl Yap.