• Home
  • Fresh Scoops
  • Nagpakitang gilas sa Miss Universe stage ang pambato ng Pilipinas na si Rabiya Mateo.

Rabiya Mateo, ‘umariba’ sa preliminary competition ng Miss Universe

Nagpakitang gilas sa Miss Universe stage ang pambato ng Pilipinas na si Rabiya Mateo.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

05/15/2021 03:00 PM
Rabiya Mateo, ‘umariba’ sa preliminary competition ng Miss Universe
Screenshots from @aces_and_queens Instagram

Impressive at tila flawless na performance sa preliminary competition ng 69th edition ng Miss Universe ang ibinigay ng pambato ng Pilipinas na si Rabiya Mateo.

Kabugan, pagandahan at patalbugan sa pagrampa ang 74 na kandidata na naglalaban laban para sa Miss Universe crown.

Mula presentation, swimsuit, at evening gown, hindi nagpahuli ang 24 year-old Pinay candidate from Iloilo.


Sa pag rampa sa Miss Universe stage, sinalubong ng malakas na palakpakan at hiyawan si Rabiya mula sa Filipino audience na all out ang support para sa pambato ng Pilipinas.

Suot ang yellow swimsuit, angat ang sexing katawan ni Rabiya na resulta ng kaniyang matinding training na pinagdaanan.

Hindi rin nagpahuli si Rabiya sa evening gown portion. Suot ang yellow designed gown ni Furne One Amato, na puno ng Swarovski crystals, rumampa ng tila isang reyna ang Pinay beauty queen.

Ang preliminary competition ay isang bahagi ng Miss Universe kung saan kikilatisin ang bawat kandidata kung nararapat ba siya sa titulo bilang 2020 Miss Universe.

Sa darating na May 17, gaganapin ang coronation ng 69th Edition ng Miss Universe at kung papalarin si Rabiya na ang ika-limang Filipina beauty na makakasungkit ng korona. Huling nakuha ni Catriona Gray ang Miss Universe crown noong 2018.

Mapapanood ang live telecast ng 69th Miss Universe sa Kapamilya Channel at A2Z channel 11.