• Home
  • Fresh Scoops
  • Muling sasabak sa pag-arte ang aktres na si Cristina Gonzalez sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano.’

PANOORIN: Cristina Gonzalez, sumabak na sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

Muling sasabak sa pag-arte ang aktres na si Cristina Gonzalez sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano.’

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

05/15/2021 09:32 AM
PANOORIN: Cristina Gonzalez, sumabak na sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’
Photo credit: @cristinagonzalezromualde (L) Instagram and ABS-CBN Entertainment (R)

Muling nagbabalik sa pag-arte ang aktres at dating Tacloban City Mayor na si Cristina Gonzalez. 

Makalipas ang labinlimang taon, balik-showbiz siya sa kanyang role sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Inanunsyo ng Dreamscape Entertainment ang pagkakabilang ni Cristina sa programang pinagbibidahan ni Coco Martin.

Nakuha ni Cristina ang karakter ni Amalia Mante na ina ng ginagampanang papel ni Jane de Leon na si Lia. 

Panoorin ang episode na kasama siya sa ibaba: 

Maliban kay Cristina, napapanood din sina Simon Ibarra, William Lorenzo, Paulo Angeles, Enzo Pineda, Christian Vasquez, at Aya Fernandez sa naturang serye.

Si Cristina Gonzalez ay anak ng ‘50s matinee idol at politician na si José Mari Gonzáles. 

Ikinasal siya kay Alfred Romualdez. Pansamantala naman siyang nawala sa showbiz nang manilbihan siya bilang konsehal at kalauna’y alkalde ng siyudad ng Tacloban sa Leyte. Enero naman nitong taon nang pumirma ng kontrata si Cristina sa VIVA Artists Agency. 

READ: Cristina Gonzalez balik-showbiz after 15 years

Samantala, mas marami pa ang pagpipilian ng mga manonood ngayon dahil mapapanood na ang FPJ’s Ang Probinsyano sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, CineMo, Kapamilya Online Live YouTube channel, sa ABS-CBN Entertainment Facebook page, The Filipino Channel, IPTV, WeTV, at iflix.