• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi pinalagpas ng netizens ang personal choices ni Catriona Gray sa kaniyang paboritong National Costume ng mga kandidata sa Miss Universe.

Catriona Gray, hindi bet ang National Costume ng Pinas?

Hindi pinalagpas ng netizens ang personal choices ni Catriona Gray sa kaniyang paboritong National Costume ng mga kandidata sa Miss Universe.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

05/15/2021 11:08 AM
Catriona Gray, hindi bet ang National Costume ng Pinas?
Photo credit: @catrionagray and @jonasempire.ph Instagram

Kasunod ng naganap na National Costume competition sa 69th edition ng Miss Universe, kani-kaniya nang pag-pili ng kanilang mga paborito ang mga pageant fans para ipahayag ng kanilang suporta sa kanilang mga pambato.

At tulad ng maraming pageant fans, ang mga former beauty queens ay tutok din sa performances ng latest batch ng Miss Universe candidates.

Kabilang na dito si 2018 Miss Universe Catriona Gray na idinaan sa social media ang kaniyang Top 6 favorites sa naganap na Miss Universe National Costume competition.


TIGNAN: Rabiya Mateo, umariba sa national costume competition ng Miss Universe

“Indonesia, Nepal, Peru, Thailand, Ukraine, and Vietnam were my Top 6 @missuniverse National Costumes  Who were yours?” post ng 2018 Miss Universe sa Twitter.

Sa nasabing Twitter post ni Catriona, kapansin-pansin na wala sa kaniyang top 6 ang Pilipinas.

Dahil dito, umani ng tila iba’t ibang impresyon sa maraming Pilipino ang pahayag na ito ng former Miss Universe title holder.

Ang ilan dito ay tila kinuwestyon ang pagpapakita ng suporta ng former Miss Universe at anila ay pagiging “insensitive” rin umano nito sa pinagdaanan na laban ni Rabiya.

“Cat should have kept her opinion and not publicize it.. we all know that she is really a big influencer in beauty pageants so it will somehow affect the chances of Rabiya... ka sad langm” reply ng isang netizen sa post ng former Miss Universe.

“YOU KNOW WHAT MISS CATRIONA DIKO RIN GXTO NATIONAL COSTUME MO BUT I STILL VOTED FOR U TO STAND OUT, KASI WE ARE THE FILIPINO AND U ARE TOO SO THAT WE NEED TO SUPPORT U NO MATTER WHAT..IN THAT TWEET U PUTTING RABIYA DOWN, VERY DISAPPOINTED TO U MISS CATRIONA,” sabi pa ng isa.

Mima, hindi mo ba naisip na pwedeng makasama sa rest of performance ni Rabiya tong tweet mo? Ang insensitive ng tweet mo Mima sa true lang.”

Matapos ang pag-ani ng negatibong komento sa kaniyang naging post, isang paliwang ang ipinarating ni Catriona.

My best in National Costume picks are my favorite National Costumes, not based on the candidate’s performance. I love the celebration of culture and a country's expression of identity which is why it’s one of my favorite segments!

Matatandaan na minsan nang pinutakte ng netizens ang 2018 Miss Universe dahil sa hindi pagpapakita umano nito ng suporta sa laban ng reigning Miss Universe Philippines.

Si Catriona Gray ang huling Pilipina na nakasungkit ng korona sa Miss Universe matapos ang kaniyang laban sa Bangkok, Thailand.