• Home
  • Fresh Scoops
  • Nagpositibo pero gumaling na sa sakit na COVID-19 ang dating ‘Pinoy Big Brother’ housemate at aktor na si Tom Rodriguez.

Tom Rodriguez, nagpositibo sa COVID-19

Nagpositibo pero gumaling na sa sakit na COVID-19 ang dating ‘Pinoy Big Brother’ housemate at aktor na si Tom Rodriguez.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

05/14/2021 09:40 AM
Tom Rodriguez, nagpositibo sa COVID-19
Photo Credit: @akosimangtomas Instagram

Nagpositibo pero gumaling na sa sakit na COVID-19 ang dating Pinoy Big Brother housemate at aktor na si Tom Rodriguez.

Sa Instagram nitong Huwebes, Mayo 13, sinabi ni Tom na ito umano ang dahilan kung bakit hindi siya aktibo sa social media nitong mga nakaraang linggo.

 


 

"I was quarantined for... let's say a little over four weeks. Yeah, since it took a while before I was deemed clinically recovered," aniya.

Kuwento ni Tom, nahawaan siya ng virus habang siya ay nagshu-shooting para sa isang pelikula sa labas ng Maynila.

Bagamat nag-negative siya sa antigen exit swab test, inudyok pa rin umano siya ng kanyang fiancée na si Carla Abellana na sumailalim sa RT-PCR test na itinuturing na gold standard sa COVID-19 testing. 

BASAHIN: Weddings banns nina Tom Rodriguez at Carla Abellana, trending sa social media

"Buti na lang I took her advice, and hindi muna kami nagkita nun, so there was no chance I infected her when I did test positive," ani Tom.

Sa kanyang post, ibinahagi ni Tom na hindi umano siya nakaranas ng malalang mga sintomas, bagay na lubos niyang ipinagpapasalamat. 

"Thankfully, nung nagka-COVID ako, I had very, very mild symptoms. It was very manageable. So I didn't have fevers, I didn't have cough and phlegm, and tightness in my chest. And fortunately, fortunately, I didn't have any loss of smell or taste so I was still able to eat and boost my immune system that way," sabi niya.

Bukod kay Tom, ilan pa sa mga artistang tinamaan din ng COVID-19 ay sina  Christopher de Leon, Sylvia Sanchez, Cherry Pie Picache, Iza Calzado, at Sunshine Cruz.

Sa tala noong Huwebes, Mayo 13, umabot na sa 1,124,724 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.