• Home
  • Fresh Scoops
  • Isa ang national costume sa mga pageant activities na inaabangan tuwing Miss Universe pageant.

Tignan: Rabiya Mateo, umariba sa national costume competition ng Miss Universe

Isa ang national costume sa mga pageant activities na inaabangan tuwing Miss Universe pageant.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

05/14/2021 11:44 AM
Tignan: Rabiya Mateo, umariba sa national costume competition ng Miss Universe
Photo Credit: @jonasempire.ph on IG

Suot ang 21 kilos na national costume, na likha ng namayapang fashion designer na si Rocky Gathercole, umariba na sa 69th Miss Universe ang pambato ng Pilipinas na si Rabiya Mateo.

Sa mga nakalap na videos at retrato ng PUSH sa social media, flawless na inirampa ni Rabiya ang national costume na kulay asul at pula na sumisimbolo sa kulay ng watawat ng Pilipinas. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Jan Quijano (@quijano_jan)

 

Ang national costume ni Rabiya ay mas pinatingkad pa ng tatlong gintong mga bituin na sumisimbolo naman sa Luzon, Visayas at Mindanao. 

 

 

 

Ang national costume competition ay isa lamang sa mga inaabangan na pageant activities sa Miss Universe.

Taong 2019, itinanghal na Best in National Costume ang pambato ng Pilipinas na si Gazini Ganados, kung saan inirampa niya ang kasuotan na likha ni Carrie Santiago.

 

 

Sa darating na May 16, 2021, gaganapin ang coronation night ng 69th Edition ng Miss Universe at kung papalarin, si Rabiya na ang ika-limang Filipina beauty na makakasungkit ng korona, na huling nakuha ni Catriona Gray noong 2018. 

Mapapanood ang live telecast ng 69th Miss Universe sa Kapamilya Channel at A2Z channel 11.