• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi napigilan muli ni Sunshine Cruz na magsalita laban sa nag-upload ng edited picture niya at ng kanyang mga anak kasama ang boyfriend niyang si Macky Mathay at sinabing pambabastos ito sa kanilang pamilya.

Sunshine Cruz, umalma sa edited picture ng kanyang pamilya

Hindi napigilan muli ni Sunshine Cruz na magsalita laban sa nag-upload ng edited picture niya at ng kanyang mga anak kasama ang boyfriend niyang si Macky Mathay at sinabing pambabastos ito sa kanilang pamilya.

BY
Ann Manhit

FRESH SCOOPS

05/14/2021 12:21 PM
Sunshine Cruz, umalma sa edited picture ng kanyang pamilya

Hindi napigil ang aktres na si Sunshine Cruz na mag-react sa nagva-viral na edited picture ng kanyang pamilya. 

‘Disgusting’ ang itinawag ni Sunshine sa edited picture niya at tatlong anak na babae, kasama ang kanyang boyfriend na si Macky Mathay. Pinalitan kasi ng larawan ng isang adult entertainment actor ang photo ni Macky. Ang original picture ay kuha mula sa Mother’s Day post ni Sunshine. 


Hinikayat ni Sunshine ang kanyang followers ang pagrereport sa mga social media pages na nag-upload ng nasabing edited photo. 

“Sa mga hindi aware, Macky’s face was edited. Binago at ginawang porn actor. The comments as you can see are disgusting. Let’s not tolerate this kind of behaviour here on Facebook. Sadly, it is so easy for others to say nasty things on social media. Which reveals the person they are. They must’ve forgotten na may mga babae din silang kapamilya,” sabi ni Sunshine. 

WATCH: Like mother, like daughter: Sunshine Cruz looks a lot like her kids in these throwback photos

Sa kanyang sumunod na post, nagpasalamat naman si Sunshine sa mga nag-report sa naturang bastos na post. Meron din daw nag-message sa kanya na ilang netizens na nag-apologize sa pagrerepost ng larawan.  

“May mga nag message at apologize na sa pag repost ng edited picture ng pamilya ko. I hope this serves as a lesson to other guys out there. May nanay, asawa, kapatid o mga kamag anakan kayong mga babae. Let’s not forget that. Do not ever justify your wrongdoing and disrespect because of who or what I am,” sabi pa ng aktres. 

Noong isang taon, nagsalita din si Sunshine laban sa ilang Facebook users na tinawag niyang mga “sexual predators.”

“Enjoy din naman palang mang-BAN, block and delete. Nagkalat ang ‘sexual predators’ online. Parang ngayon lang nakakita ng mga babae. Ako po ang nahihiya para sa mga magulang n'yo. You guys know who you are. I am saving those messages before banning you. You’ve been warned,” post noon ni Sunshine.