• Home
  • Fresh Scoops
  • To the rescue ang mga former Pinay beauty queens sa laban ni Rabiya Mateo.

Rabiya Mateo emosyonal matapos ang National Costume performance sa Miss Universe

To the rescue ang mga former Pinay beauty queens sa laban ni Rabiya Mateo.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

05/14/2021 02:58 PM
Rabiya Mateo emosyonal matapos ang National Costume performance sa Miss Universe

Matapos ang National Costume competition sa 69th Miss Universe pageant, hindi napigilan na maging emosyonal ng pambato ng Pilipinas na si Rabiya Mateo.

Tignan: Rabiya Mateo, umariba sa national costume competition ng Miss Universe

Sa pamamagitan ng Instagram live, humingi ng sorry ang Pinay beauty sa kaniyang tila naging kulang na performance sa pag rampa ng National Costume na isa sa mga inaabangan ng pageant fans at kaniyang mga supporters.


 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Rabiya Mateo (@rabiyamateo)

“I’m so sorry, kung na-disappoint man kayo sa akin,” sambit ni Rabiya sa bahagi ng kaniyang live instagram post.

Emosyonal na pahayag ni Rabiya, hindi biro ang pressure na kaniyang hinarap backstage kung saan nasugatan pa aniya siya habang solo na binubuo ang kaniyang National Costume para sa mga kababayang nag-aabang sa kaniyang performance.

“I know na I did my best. I even cut my finger earlier and ‘yung stockings ko puno na din siya ng dugo but I kept fighting,” tugon ni Rabiya.

Humingi rin ng sorry si Rabiya sa kaniyang naging look sa pag rampa sa entablado ng Miss Universe.

“Kahit wala nang oras, I didn’t have time to retouch my hair to retouch my makeup, like I was there, I was running for pins, I was running for scissors to be able to execute the costume really well.”

Emosyonal man sa naging live Instagram post, isang buong pusong pasasalamat ang ipinaabot ni Rabiya sa mga kababayan na all out ang pag-cheer sa kaniyang pag rampa.

Ayon sa Pinay beauty, she felt “great and beautiful” habang rumarampa sa Miss Universe stage.

“Maraming maraming salamat talaga guys and I think, myself I felt a really great feeling noong naglalakad ako. I was so beautiful, nakita ko ‘yung cheer ng mga judges. Nakita ko ‘yung sigawan ng mga Pilipino kaya nagpapasalamat talaga ako sa suporta. Thank you so much guys. Tomorrow may competition pa tayo,” aniya.

Samantala, all out ang support ng former Miss Universe Philippines na si Mary Jean Lastimosa na todo cheer para kay Rabiya.

Sa pamamagitan ng social media post, dumipensa ang 2014 Miss Universe candidate para kay Rabiya.

“21kls yun pakpak mga mars kalma lang kayo. She carried it like it’s feather weight. Dami parin hanash haaaa. Dun tayo sa prelims totodo,” sambit ni MJ sa tweet.

Bukod sa 2014 Miss Universe candidate, nagpahayag rin si 2018 Miss Universe na si Catriona Gray ng suporta para kay Rabiya.

Sa isang comment nito sa Instagram, dumipensa si Catriona para kay Rabiya.

“Rabiya does not need to apologize. She worked that stage and PERFORMED,” na sinundan ng clapping emoji.

Sa bahagi rin ng comment, ipinaliwang rin ng 2018 Miss Universe ang tunay na halaga ng National Costume competition. “National Costume is a segment to celebrate culture and country’s identity but isn’t a part of the scoring towards the crown. Kaya laban lang Queen!” pahayag pa ni Catriona.

Sa darating na May 16 gaganapin ang coronation night ng 69th Miss Universe. Pero bago ito, sasabak muna sa Preliminary Competition ang mga kandidata na gaganapin ngayong May 14 [Florida Time].

Kung papalarin, si Rabiya na ang ika-limang Filipina beauty na makakasungkit ng korona sa Miss Universe na huling nakuha ni Catriona Gray noong 2018.

Mapapanood ang live telecast ng 69th Miss Universe sa Kapamilya Channel at A2Z channel 11.