• Home
  • Fresh Scoops
  • Matapos ang asawang si Vicki Belo, ipinasilip din ni Hayden Kho ang kaniyang walk-in closet para sa kaniyang mga tagahanga.

PANOORIN: Hayden Kho, ipinasilip ang kaniyang walk-in closet

Matapos ang asawang si Vicki Belo, ipinasilip din ni Hayden Kho ang kaniyang walk-in closet para sa kaniyang mga tagahanga.

BY
Pau Benoza

Twitter: @pauleaaa

FRESH SCOOPS

05/14/2021 11:46 AM
PANOORIN: Hayden Kho, ipinasilip ang kaniyang walk-in closet
Screenshot from Dr. Vicki Belo YouTube Channel YouTube Channel

Matapos ang asawang si Vicki Belo, ipinasilip din ni Hayden Kho ang kaniyang walk-in closet para sa kaniyang mga tagahanga.

Sa video na inilabas sa YouTube channel ni Vicki noong Huwebes, Marso 13, ipinakita ni Hayden ang iba't ibang parte ng kanyiang walk-in closet—kabilang na ang kaniyang mga paboritong fashion items—na matatagpuan sa kaniyang bachelor's apartment.

Paliwanag ng kaniyang asawa, wala umanong sapat na espasyo para sa mga gamit ni Hayden sa kanilang bahay kaya nanatili ang mga ito sa kaniyang apartment.


WATCH: Hayden Kho says faith changed relationship with Vicki Belo

"Sa bahay ko, I've been living there alone for such a long time. Siguro mga 18 years of living there. And all my clothes are in all the rooms, so walang space si Hayden," sabi ni Vicki.

"When I moved there—obviously because we're husband and wife na—walang paglalagyan all my things," dagdag ni Hayden. "So what happens is, every week I'll get clothes from here, dadalhin ko doon sa bahay. Ina-assemble na dito, [para] at least doon susuotin ko na lang. And then after ko suotin, babalik dito, replace, kuha na naman."

Kabilang sa mga ipinakita ni Hayden ay ang kaniyang mamahaling koleksyon ng bags at shoes.

Bukod dito, ipinasilip din ni Hayden ang kaniyang shades at perfume collection.

Pagdating naman sa kaniyang mga damit, ikinuwento ni Hayden na madalas niyang ipinapamigay ang kaniyang mga pinaglumaan sa kaniyang driver na halos kapareho lang niya ng taas.

"My size is size 33 ng pants, mahaba. So my driver, who's almost my height... best-dressed driver 'yan kasi siya 'yung beneficiary ng aking clothes. Every six months, magtatanggal ako ng maraming clothes... Sapatos, jackets, shirts, jeans. Laging bumabagsak 'yan kay Robert," kwento ni Hayden.

Bukod sa kaniyang driver, madalas din umano niyang bigyan ng gamit ang basketball player na si Thirdy Ravena.

"Si Thirdy, paborito ko 'yan. Eh maganda 'yung katawan. Poging pogi. 'Thirdy gusto ko ikaw magsuot nito.' May mga items na hindi ko pa nasusuot, binibigay ko na kay Thirdy. Kasi mas maganda 'pag siya 'yung may suot, eh," sabi ni Hayden.

Enero nitong taon nang ipinasilip ni Vicki ang kaniyang walk-in closet, kabilang na ang kaniyang kahanga-hangang Hermes bag collection.