• Home
  • Fresh Scoops
  • Trending sa social media ang wedding banns o ‘tawag sa kasal’ ng celebrity couple na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana.

Weddings banns nina Tom Rodriguez at Carla Abellana, trending sa social media

Trending sa social media ang wedding banns o ‘tawag sa kasal’ ng celebrity couple na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana.

BY
Pau Benoza

Twitter: @pauleaaa

FRESH SCOOPS

05/13/2021 11:03 AM
Weddings banns nina Tom Rodriguez at Carla Abellana, trending sa social media
Photo from Parokya ni San Guillermo Facebook post

Trending sa social media ang wedding banns o "tawag sa kasal" ng celebrity couple na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana.

Ibinahagi ito ng Parokya ni San Guillermo sa Talisay sa Facebook nitong Miyerkules, Mayo 12. 

Ayon sa anunsiyo, gaganapin ang kasal nina Tom at Carla sa Madre de Dios Chapel sa Tagaytay Midlands sa Oktubre 23, 2021.


Agad namang nagbigay ng pahayag si Carla tungkol sa kanilang nag-viral na wedding banns.

Sa kanyang post sa Instagram Story, sinabi ng aktres na isa ito sa mga kinakailangan hakbang upang makakuha sila ng permit para sa kanilang inaabangang church wedding. 

“Hello, everyone! A wedding bann[s] is a Church requirement for Catholics getting married in any and all Catholic Churches in the Philippines,” paliwanag niya.

“It is a necessary step to be able to secure a wedding permit," sabi pa niya.

Nito lamang Marso nang inanunsyo nina Tom at Carla na engaged na sila.

Nangyari ang proposal Oktubre noong nakaraang taon, sa bahay mismo ng mga magulang ni Carla.

BASAHIN: Engagement video of Tom Rodriguez and Carla Abellana

Mahigit anim na taon nang magkasintahan sina Tom at Carla, na nagkatrabaho sa isang teleserye noong 2013.