• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi inaasahan ni Vice Ganda ang naging reaksyon ng kanyang nobyong si Ion Perez matapos niyang gupitan ang buhok nito habang abalang naglalaro sa kanyang phone.

PANOORIN: Vice Ganda, ginupitan ng buhok si Ion Perez habang abalang naglalaro ng Call of Duty

Hindi inaasahan ni Vice Ganda ang naging reaksyon ng kanyang nobyong si Ion Perez matapos niyang gupitan ang buhok nito habang abalang naglalaro sa kanyang phone.

BY
Pau Benoza

Twitter: @pauleaaa

FRESH SCOOPS

05/13/2021 09:11 AM
PANOORIN: Vice Ganda, ginupitan ng buhok si Ion Perez habang abalang naglalaro ng Call of Duty
Screenshot from Vice Ganda YouTube Channel

Hindi inaasahan ni Vice Ganda ang naging reaksyon ng kanyang nobyong si Ion Perez matapos niyang gupitan ang buhok nito habang abalang naglalaro sa kanyang phone.

Sa bagong labas na vlog, makikitang pilit inaagaw ni Vice ang atensyon ni Ion habang nakatutok ito sa kanyang phone dahil sa nilalarong Call of Duty, isang sikat na mobile game. 


Sa isang punto, napansin ni Vice na mahaba na ang buhok ng kanyang nobyo. 

"Ang haba na ng buhok mo pala... Sabi mo magpapagupit ka?" tanong ni Vice kay Ion.

"Magpapagupit naman ako, in time," sagot ni Ion.

"Kailan ka magpapagupit?" muling tanong ni Vice.

"Pinag-iisipan ko pa," sagot naman ni Ion bago ito bumalik sa paglalaro. 

Dito na nakakuha ng ideya si Vice kung paano niya makukuha ang atensyon ng kanyang nobyo.

Kumuha siya ng gunting sa kusina at pagbalik ay biglang ginupitan ang buhok ni Ion.

"Seryoso ka? Lasing ka ba?" nakangiting tanong ni Ion, na halatang nabigla sa nangyari, kay Vice. 

"Ayaw mo kasi akong pansinin eh," sagot ni Vice, bago ito nagtanong ng, "Galit ka?"

"Ano pa bang magagawa ko? Nagupitan na 'ko," sabi ni Ion.

Dito na inamin ni Vice na natakot siya sa ginawa niyang biro dahil akala niya ay magagalit sa kanya ang kanyang nobyo.

"'Di ako magagalit," sabi naman ni Ion.

BASAHIN: After spraining his ankle, Ion Perez receives PlayStation 5 from Vice Ganda

Sa huli ay pumayag si Ion na muling gupitan ni Vice ang kanyang buhok. 

Tiniyak naman ni Vice na kahit ano pang haircut ni Ion ay siya pa rin ang pinaka-guwapo sa mata nito.