• Home
  • Fresh Scoops
  • Ito ay bilang pagpupugay ni Ivana Alawi sa mga katulad ng kanyang ina na pinalaki silang magkakapatid ng mag-isa.

Ivana Alawi, nakatakdang i-donate sa mga single mothers ang kikitain mula sa Mother’s Day vlog

Ito ay bilang pagpupugay ni Ivana Alawi sa mga katulad ng kanyang ina na pinalaki silang magkakapatid ng mag-isa.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

05/13/2021 12:05 PM
Ivana Alawi, nakatakdang i-donate sa mga single mothers ang kikitain mula sa Mother’s Day vlog
Screenshot from Ivana Alawi YouTube Channel

Nangako ang aktres na si Ivana Alawi na ibibigay niya ang kanyang kikitaing pera mula sa kanyang inilabas na Mother’s Day vlog sa mga charities na naglalayong tulungan ang mga single moms. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Ivana Alawi (@ivanaalawi)


 

Kamakailan ay naglabas ng isang vlog si Ivana kasama ang kanyang mga kapatid upang sorpresahin si Fatima Marbella — o mas kilala bilang Mama Alawi — sa Araw ng mg Ina. 

READ: ‘Not to brag’: ‘Blessed’ Ivana Alawi donates relief packs amid the COVID-19 pandemic

Sa nasabing vlog, si Ivana mismo ang nag-ayos ng makeup ng kanyang ina bago nila ito sorpresahin ng isang picnic-style na tanghalian at abutan ng bulaklak. 

Dito, ipinagdiwang ng Mea Culpa: Sino Ang May Sala star ang kanyang ina na aniya’y itinaguyod silang apat na magkakapatid ng mag-isa. 

“Today, we must make you feel special and loved, and give you back kahit konting pagmamahal na ibinibigay niyo sa aming mga anak mo. At single mother siya and pinalaki niya kaming apat na magkakapatid," ani Ivana. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Ivana Alawi (@ivanaalawi)

 

Dahil dito, napagdesisyunan nilang mag-ina na i-donate ang lahat ng kikitain niya sa vlog sa mga charitable institutions na naglalayong tulungan ang mga single moms — bagay na labis ikinatuwa ng kanyang ina. 

"So napagkasunduan namin ni Mama na 'yung kita nitong video na 'to is ido-donate namin sa charity. Maghahanap kami ng mga charity na mga single moms katulad ng aming Mama," ani Ivana Alawi. 

Nang tanungin kung masaya siya sa naging sorpresa sa kanya, sambit ni Mama Alawi:
“Very, very, very happy.”

READ: Ivana Alawi flies to Cagayan to distribute relief goods to typhoon victims

Hinikayat naman ni Ivana ang kanyang mga tagahanga na suportahan ang kanyang vlog upang mas malaki ang maibigay niya sa mga charity. 

Panoorin ang vlog sa ibaba: 

Hindi ito ang unang beses na tumulong si Ivana gamit ang pera na kinita niya mula sa kanyang vlog. 

Samantala, marami naman ang pumupuri kay Ivana dahil sa pagiging matulungin nito lalong-lalo sa mga nangangailangan.  

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Ivana Alawi (@ivanaalawi)

 

Maliban kay Hash at Mona, may nakatatandang kapatid pa si Ivana na nagngangalang Amira.