• Home
  • Fresh Scoops
  • Tutok bilang isang full time mom si Pokwang para sa kaniyang dalawang anak na si Mae Subong at Malia O’Brien.

Pokwang, ibinahagi ang mommy duties na natutunan mula sa ina

Tutok bilang isang full time mom si Pokwang para sa kaniyang dalawang anak na si Mae Subong at Malia O’Brien.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

05/12/2021 03:44 PM
Pokwang, ibinahagi ang mommy duties na natutunan mula sa ina
Photo Credit: @itspokwang27 Instagram

Hindi napigilan na maging emosyonal ng isa sa mga bida ng pelikulang Mommy Issues na si Pokwang nang balikan ang alaala ng kaniyang namayapang ina na si Nanay Gloria.

Sa panayam ng PUSH kay Pokwang sa naganap na digital press conference ng latest offering ng Regal Entertainment, bumuhos ang luha ng komedyana.

 


 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Mayette (@itspokwang27)

 

“Ma, happy, happy Mother’s Day. Pero lagi ko naman siya kinakausap every six pm, kasi nag-rosary kami,” bungad ni Pokwang sa panayam.

“Ang lagi ko lang sinasabi na ipagdasal mo kami, ilayo mo kami sa ano ba ‘to.....” emosyonal na sambit ng komedyana.

Dala na rin ng pandemya ng COVID-19, isa lang rin ang dulog ni Pokwang sa namayapang inang itinuturing niyang anghel sa kanilang pamilya.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Mayette (@itspokwang27)

 

“Basta panatilihin ko kaming malayo sa mga karamdaman lalo na sa pinagdaraaan natin kami ng mga apo niya. Kasi lahat kami, wala pa kaming vaccine. Ayun lang. Sabi ko lagi na gabayan mo kami na matapos ang pandemya na ‘to na walang magkakasakit sa amin. ‘Yun lang. Happy Mother’s Day, nami-mis ka namin sa araw-araw, we love you,” ani komedyana.

Bukod rito, sinariwa din ni Pokwang ang ilang aral na kaniyang natutunan sa ina na kaniyang ginawa sa kanyang mga anak ngayon.

“Mag ipon. Mag ipon para sa kinabukasan,” aniya sa panayam.

Balak ni Pokwang ang ipasa sa kaniyang mga anak na si Mae at Malia ang mga aral na kaniyang natutunan sa ina.

“Yung wag ubos ubos biyaya kapagka-wala tunganga, ‘yun ang lagi niyang sinasabi sa amin. ‘O mag ipon kayo ha, wag ubos biyaya tapos kapag wala tunganga’ naaalala ko nung malakas lakas pa siya siguro mga 10 years ago, artista na ako non sabi niya ‘o yung kinikita mo, hindi porket kumikita ka ngayon akala mo, habang buhay na, mag ipon ka o mag invest ka’ at ‘yun rin naman ang lagi kong turo sa mga anak ko,” pahayag ni Pokwang.

Streaming now ang Mommy Issues ay handog ng Regal Entertainment na mapapanood sa KTX.ph sa direksyon ni Jose Javier Reyes.