• Home
  • Fresh Scoops
  • Matapos tawaging ‘pinakapangit’ sa mga magpipinsang Cruz, nagbigay ng kanyang pahayag si Geneva Cruz tungkol sa mga trolls at bashers.

Geneva Cruz sa bashers: ‘Sometimes, they need a dose of their own medicine’

Matapos tawaging ‘pinakapangit’ sa mga magpipinsang Cruz, nagbigay ng kanyang pahayag si Geneva Cruz tungkol sa mga trolls at bashers.

BY
Pau Benoza

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

05/12/2021 10:26 AM
Geneva Cruz sa bashers: ‘Sometimes, they need a dose of their own medicine’
Photo Credit: @genevacruzofficial Instagram

Hindi umano apektado ang aktres at mang-aawit na si Geneva Cruz sa kanyang basher na tinawag siyang "pinakapangit" sa mga magpipinsang Cruz. 

Sa Instagram nitong Martes, Mayo 11, iginiit ng dating Smokey Mountain member na kumportable siya sa kanyang balat at kahit ano pang sabihin ng iba tungkol sa kanyang itsura ay walang kaso sa kanya ito.

 


 

"I wasn’t affected sa sinabi niya. I love how I look, and I’m comfortable in my skin. Even when I was still with the Smokey Mountain group, I felt beautiful na, kahit ano pa ang sabihin ng iba so walang kaso sa 'kin yan. Gusto ko lang siya i-highlight since 'yun ang gusto nya... 'ATTENTION,'" ani Geneva.

Linggo, Mayo 9, nang binuweltahan ni Geneva ang netizen na nilait ang kanyang itsura at ikinumpara siya sa kanyang mga pinsan na sina Sunshine, Donna, at Sheryl Cruz.

"Pinakapanget talaga tong c Geneva sa magpipinsan pero cya pa napakaraming julake while donna ang ganda matino pa," pahayag ng nasabing netizen.

Sagot ni Geneva: "LOL ganda mo kasi. Wag ka mainggit, that’s gonna make you uglier. Oh, you sound like a complete idiot. Take care.”

"Walang pangit sa pamilya ko. Walang pangit na tao. Ugali mo lang ang pangit. Which makes you... pangit. You need a hug," dagdag pa niya.

BASAHIN: ‘And we are complete’: Sheryl finally joins Cruz cousins Geneva, Sunshine, Donna in new collaboration

Sa kanyang post sa Instagram, nagbigay si Geneva ng kanyang mensahe sa mga namba-bash sa kanya at sa kanyang pamilya.

 

 

"Putting me and some of my relatives down while you put one of our blood up on a pedestal will not make you a relevant person; it only makes you rude and irreverent. Pamilya kami and family stick together like glue," aniya.

Nagbigay din siya ng kaniyang saloobin tungkol sa mga trolls at bashers. 

"I can’t with these bullies; sometimes, they need a dose of their own medicine to know they are making themselves look like complete fools at hindi cute ang ganong attitude kahit fake accounts pa sila. Underneath that 'fake account' is a real, toxic human being. Hindi nila ikaka-succeed ang pagiging mean at disrespectful, unless they only want to stay in their little world," ani Geneva.

Patuloy pa niya: "Suppose they want to do well in society, dapat makisama sila. Values reflect our sense of right and wrong. They help us grow and develop. They help us create the future we want. The decisions we make every day are a reflection of our values. They are pitiful but still very changeable. Pwede pa sila magbago. Lahat naman tayo nagkamali or nag-kakamali. Since page ko ito, may right akong pagsabihan sila."

Matatandaan na nito lamang Marso nang naging laman ng balita si Geneva matapos niyang palagan ang isang basher na sinabihan siyang maitim ang kaniyang singit.

BASAHIN: Geneva Cruz, sinagot ang basher

Kasalukuyang napapanood si Geneva sa ABS-CBN show na Your Face Sounds Familiar bilang isa sa mga celebrity performers.