• Home
  • Fresh Scoops
  • Kapitbisig para sa panlimang korona ang mga bigating pangalan sa fashion para sa laban ni Rabiya Mateo.

TINGNAN: Pasabog OOTDs ni Rabiya Mateo sa Miss Universe

Kapitbisig para sa panlimang korona ang mga bigating pangalan sa fashion para sa laban ni Rabiya Mateo.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

05/11/2021 06:43 PM
TINGNAN: Pasabog OOTDs ni Rabiya Mateo sa Miss Universe
Photo credit: @rabiyamateo IG

Isang linggo bago ang coronation night ng 69th Miss Universe pageant, kaniya-kaniya nang patalbugan sa kanilang mga OOTD [Outfit Of The Day] ang 74 na kandidata ng Miss Universe.

At isa nga sa hindi nagpahuli sa kaniyang mga outfits ang kandidata ng Pilipinas na si Rabiya Mateo na ibabandera ang 100 Filipino fashion designer sa Miss Universe competition.

Departure pa lang ni Rabiya patungong Amerika kung saan gaganapin ang 69th Miss Universe pageant, inabangan na ang kaniyang pasabog na kasuotan.


RELATED LINK: Rabiya Mateo, biyaheng Florida na para sa Miss Universe

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Rabiya Mateo (@rabiyamateo)

 

Sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang kilalang fashion designers at fashion stylist na si Rain Dagala at Em Millan, nabuo ang mga OOTDs ni Rabiya para sa kaniyang magiging laban.

Sa mga uploaded photos social media ni Rabiya makikita ang agaw pansin na detalye ng kaniyang mga kasuotan na hango mula sa iba’t ibang inspirasyon ng isang tunay na Phenomenal Filipina.

PHOTO COURTESY @MissUniverseph @Raindagala @Emmillan

Bukod sa suporta ng 100 bigating pangalan sa fashion, buhos na rin ang suporta ng Filipino pageant fans sa nalalapit na laban ng Pinay beauty na gaganapin ngayong May 16, 2021.

Kung papalarin si Rabiya na ang ika-limang Filipina beauty na makakasungkit ng korona sa Miss Universe na huling nakuha ni Catriona Gray noong 2018.

Mapapanood ang live telecast ng 69th Miss Universe sa Kapamilya Channel at A2Z channel 11.