• Home
  • Fresh Scoops
  • Madaming bagay ang ayaw dalhin ni Jennica Garcia sa kanyang lilipitan na tirahan.

START FRESH: Jennica Garcia binibenta ang mga gamit sa bahay na naipundar nila ni Alwyn Uytingco

Madaming bagay ang ayaw dalhin ni Jennica Garcia sa kanyang lilipitan na tirahan.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

05/11/2021 02:22 PM
START FRESH: Jennica Garcia binibenta ang mga gamit sa bahay na naipundar nila ni Alwyn Uytingco
Photo Credit: @jennicauytingco Instagram

“Start fresh” ang dahilan ni Jennica Garcia kung bakit kailangan niyang ibenta at i-dispose ang mga personal belongings at mga gamit sa bahay na naipundar nila ng asawang aktor na si Alwyn Uytingco. Ayaw na raw niya itong dalhin sa lilipatang bagong tirahan kasama ng kanyang dalawang anak.

“LIVE SELLING our clothes (for women and children), home items, furniture and more this afternoon, 3PM. Break po tayo sa pag tinda ng 6PM magpapatulog lang po ng mga bata then LIVE AGAIN ng 9PM on my Facebook Page: Jennica Garcia,” pag-iimbita ni Jennica sa kanyang Instagram account.

 


 

Dagdag pa ng aktres, “Marami po ito gawa ng ayoko na po sana dalhin pa sa lilipatan namin na unit ng mga bata. Start fresh ika-nga. Hanep! Naka hugot pa sa morning. Sana sold out po ulit tayo ha? See you!!!”

Ikinasal sina Jennica at Alwyun noong February, 2014. Pero nitong March 2021 ay lumabas ang balitang hiwalay na ang dalawa.

Lalong nakumpirma ang hiwalayan n showbiz couple dahil sa cryptic post ni Jennica na dedicated para sa mga magulang na may issue sa kanilang married life.

“If you are going through something in your marriage but both of you are helping each other to keep the marriage intact, all praises to God!

“If only the husband or the wife is trying to fix what is now broken and your spouse already let go of you to start a journey that is all about them (me, myself and I) a journey without your family in it… Cling to God and do not beg further for your spouse’s affection when you already tried getting them back many times.

“This is a bitter pill to swallow but truth is, there is nothing you can do to change your spouse’s heart. It is going to be very hard but know that you are never alone in Christ. The desire for companionship will be so strong during moments of loneliness but take courage in the fact that the Lord knows your story from start to finish.

“Hold on tight to Jesus and pray for His will and not yours to be done. WHY? Because whether your family is restored or otherwise, there is no better life than the life God has planned for you,” laman ng kanyang post.

 

 

Sa Instagram ni Jennica ay “Jennica Uytingco” pa rin ang kanyang user name pero halatang balak na niya itong papalitan.

“Hi Everybody! I need help. I wish to change my USERNAME and NAME here on Instagram but with every attempt, I am asked to contact support because my account is verified. When I send a support ticket, it won't get sent, error lumalabas. Would you know to which email/contact person/contact number I should reach out to regarding my concern? SALAMAT PO!” panawagan pa niya.