• Home
  • Fresh Scoops
  • Mayroong sariling higaan si Ivana Alawi sa loob ng kanyang van.

PANOORIN: Ivana Alawi, ipinasilip ang kanyang magarbong van

Mayroong sariling higaan si Ivana Alawi sa loob ng kanyang van.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

05/11/2021 06:07 PM
PANOORIN: Ivana Alawi, ipinasilip ang kanyang magarbong van
Screenshot from Ivana Alawi YouTube Channel

Ipinasilip ng aktres at vlogger na si Ivana Alawi ang magarbong van na itinuturing niyang second home.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Ivana Alawi (@ivanaalawi)


 

Ani Ivana, nabili niya ang sasakyan na ito noong nagsisimula pa lamang siya sa pag-aartista.

“This was meant to be my second home kasi dito dapat ako titira,” ani Ivana. 

Ipinaayos umano ni Ivana ang loob ng nasabing van bago nagkaroon ang pandemya dahil kagaya ng ibang artista, halos isang araw ang kanyang iginugugol sa labas lalo na tuwing may taping. 

“So, short kwento, kapag nasa taping kasi kami dati, kaya ko siya pinagawa dati is investment siya para makatulog ako. Kasi ang taping namin dati usually umaabot siya ng 24 hours. Oh kaya pagkatapos nandun ako ng isang araw tapos dederecho ako sa second location. Kasi minsan, nagkakasabay-sabay ang mga tapings ko nu’n. So ako naman si assumera na akala hanggang ngayon may taping pinagawa ko siya,” ani Ivana. 

WOW! Ivana Alawi gives a house tour of their family mansion in Bahrain

“Ngayon, hindi na tayo nakakapag-taping kasi may pandemic, takot ako makipag-laplapan sa iba. And siguro, soon. Kasi ngayon meron silang cut-off so dati wala. Akala ko titira ako sa van. So, pinagawa ko siya tapos ngayon wala na. For my eyes only na lang siya. Kasi unang-una, hindi na ako lumalabas,” dagdag pa niya. 

Bagama’t hindi nagagamit dahil walang tapings, inamin naman ni Ivana na nasusulit niya ito tuwing may mga endorsement shoots siya. 

Samantala, ikinuwento naman ni Ivana na ang dahilan kung bakit hindi siya bumibili ng bagong sasakyan kahit mayroon na siyang sapat na pera. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Ivana Alawi (@ivanaalawi)

 

“Marami naman akong napupuntahan dito sa van so hindi ko nakikita ang point kung bakit ko pa kailangang bumili ng bagong kotse. You just sometimes have to be happy with what you have. And this is something that I love so much,” aniya.

Pagpapatuloy pa niya: “Ganu’n din naman kasi si Dad, ‘di ba? Ganu’n kami pinalaki na parang hindi porke’t nagkapera ka or naging okay ka, bumili ka agad ng next na mas maganda. I think enjoyin mo lang kung ano’ng meron ka. Mag-ipon ka, tumulong ka. ‘Yun ‘yung mga priorities ko.” 

WATCH: Ivana Alawi gives a tour of her walk-in closet at home

Maliban sa sariling higaan sa loob ng kanyang van na ginagamit niya tuwing may taping, ang nasabing van ay mayroon ding mesa na nagagamit ng Kapamilya star tuwing kumakain sa labas. 

Panoorin ang van tour ni Ivana sa ibaba: 

Sa nasabing vlog, nakasama din ni Ivana ang kanyang nakababatang kapatid na si Hash.