• Home
  • Fresh Scoops
  • Inilabas ng aktres na si Bianca Manalo ang kanyang kauna-unahang vlog, kung saan tampok ang kanyang nobyo na si Senator Win Gatchalian.

Bianca Manalo, isa na ring vlogger

Inilabas ng aktres na si Bianca Manalo ang kanyang kauna-unahang vlog, kung saan tampok ang kanyang nobyo na si Senator Win Gatchalian.

BY
Pau Benoza

Twitter: @pauleaaa

FRESH SCOOPS

05/11/2021 11:56 AM
Bianca Manalo, isa na ring vlogger
Screenshot from Bianca Manalo Official YouTube Channel

Vlogger na rin ang dating beauty queen at aktres na si Bianca Manalo.

Nitong Lunes, Mayo 10, inilabas ni Bianca ang kanyang kauna-unahang vlog, kung saan tampok ang kanyang nobyo na si Senator Win Gatchalian.

Sa video, mapapanood si Win na tinutulungan siyang i-set up ang kanyang vlogging camera. Ayon sa aktres, mismong ang kanyang partner ang nag-udyok sa kanya na gumawa na ng kanyang sariling YouTube channel.


BASAHIN: Bianca Manalo marks second anniversary with Sen. Sherwin Gatchalian

"Magpapa-help ako kung paano i-set up 'yung nabili kong vlogger kit because siya naman talaga 'yung pumipilit sa akin na gumawa na ng YouTube channel. Lakas ng bilib sa 'kin nito, eh," aniya.

Sa ngayon ay may higit 300 subscribers na si Bianca sa YouTube.

Bukod sa aktres, ilan pa sa mga artistang pinasok din ang mundo ng vlogging ay sina Vice Ganda, Bea Alonzo, Toni Gonzaga, Kylie Verzosa, Maja Salvador, at Jessy Mendiola.

Huling napanood si Bianca, 33, sa Kapamilya teleserye na FPJ's Ang Probinsyano.