• Home
  • Fresh Scoops
  • Jerald Napoles umaming hindi naging kumportable ang GF na si Kim Molina sa steamy love scenes nila ni Sunshine Guimary sa ‘Kaka’

Jerald Napoles, sinabing hindi naging kumportable ang GF sa love scenes nila ni Sunshine Guimary sa ‘Kaka’

Jerald Napoles umaming hindi naging kumportable ang GF na si Kim Molina sa steamy love scenes nila ni Sunshine Guimary sa ‘Kaka’

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

05/10/2021 02:28 PM
Jerald Napoles, sinabing hindi naging kumportable ang GF sa love scenes nila ni Sunshine Guimary sa ‘Kaka’

Inamin ni Jerald Napoles sa virtual presscon ng sex comedy movie na Kaka na hindi naiwasang makaramdam ng selos ang girlfriend niyang si Kim Molina sa mga steamy love scenes nila ni Sunshine Guimary sa pelikula. Si Jerald ang isa sa leading man ni Sunshine sa kanyang launching movie na prinodyus ng Viva Films at idinirek ni GB Sampedro. 

“Honestly speaking, siyempre girlfriend, eh, kaya she has to react sa mga ganitong bagay, so medyo naging uncomfortable si Kim lalo na do’n sa—nung nalaman niya yung mga gagawin,” simulang pag-amin ni Jerald sa PUSH.

 


 

Patuloy ng aktor, “Kasi sex comedy ito, maski naman ako hindi ko ini-expect na mapupunta ako sa ganitong linya. Pero nakausap ko naman si Direk GB, sinabi naman niya kung ano yung vision niya regarding sa pelikula. Actually, detalyado (yung pagkakasabi) kasi kailangang malaman pag ganyan, eh.

“Dinetalye naman ni Direk GB na eto yung choreography, eto yung editing niyan, dito yung kamera niyan, tayo-tayo lang dito, ganyan-ganyan. So, nung nalinaw na kung ano yung vision naging kumportable siya kahit papaano, and then sinuportahan naman ni Kimmy kung ano yung kaya kong gawin siyempre para sa pelikula.

“Oo, steamy yung love scene, eh. At hindi lang naman kay Kim, pati sa akin kailangang idetalye, at pati mismo kay Sunshine. Sabi nga ni Direk GB, ‘Hindi naman tayo magsu-shoot ng porn dito.’”

“Meron siyang artistic approach kumbaga, so kailangan lang malaman ng artista at actor kung saan papunta yung vision ng director, para lang alam rin namin kung kami yung gagawa ng choreo at ng blocking at anong pakiramdam nung eksena para magtugma rin with the director,” dagdag pa ni Jerald.

Ibinahagi rin ni Jerald na bago niya gawin ang pelikula ay pinag-usapan din nila ni Kim ang mga bagay-bagay para mas magkaintindihan.

“Okey naman yung pag-uusap namin. Lahat ng anggulo, pagiging constructive, pagiging honest sa emosyon. Kailangan mo ring marinig kasi yung emosyon ng partner mo, kailangan yon, eh.

“Ganun naman kaming mag-usap and then titingnan lang lahat ng anggulo hanggang sa mag-come-up kami sa isang bagay na makakapag-conclude kahit papaano ng discussion. We can always agree or disagree with each other kasi we’re both individuals,” kuwento pa niya.

Napa-flatter ba siya kapag nagseselos ang girlfriend niya sa ibang babae?

 

 

“Kung napa-flatter ba ako pag nagseselos, parang hindi ko naiisip or nakikita yon. Kasi trabaho ito, eh, hinihiwalay ko yung trabaho sa personal na buhay hangga’t maaari, pero minsan hindi rin natin maiwasan.

“Well, actually para sa artista  madalas hindi naiiwasan. Pero we’re trying to balance it sa pagiging artista at aktor,” huling pahayag ni Jerald sa PUSH.

Mapapanood ang Kaka sa  Vivamax at sa iba pang streaming platforms simula May 28, 2021.