• Home
  • Fresh Scoops
  • Bago pa daw nag-artista si Matteo Guidicelli ay crush na daw siya ni Janine Gutierrez.

Janine Gutierrez inaming secret crush niya si Matteo Guidicelli

Bago pa daw nag-artista si Matteo Guidicelli ay crush na daw siya ni Janine Gutierrez.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

05/10/2021 02:00 PM
Janine Gutierrez inaming secret crush niya si Matteo Guidicelli
Photo Credit: @janinegutierrez and @matteog Instagram

May bagong ibinuking ang Asia’s Queen of Songs na si Ms. Pilita Corrales tungkol sa apo niyang si Janine Gutierrez na nangyari sa mismong vlog ng dalaga.

Most requested si Mamita ng halos 500k subscribers ni Janine sa kanyang vlog at recently lang ito pinagbigyan ng kanyang lola.

Banta ni Pilita sa apo, “Do I need to tell them the truth?” Na sinagot agad ni Janine ng, “Yes! People I guess want to know more about you and also challenge you because they see that you’re so strong, talented and timeless.”


Sa tanong kay Janine ng lola kung meron ba itong maituturoon na “horror story” sa showbiz ay game namang nagkuwento ang bagong Kapamilya actress.

“There was just this one-time na I was supposed to host an event. They got me because the girl they originally asked hindi siya available or parang ayaw niyang gawin.

“So, nung nakita ako ng artista na yon, she was like, ‘Uy ikaw na pala ang gagawa ng ganyan?’ Sabi ko, ‘Yeah,’ tapos sabi niya, ‘Ah, hindi ko kasi tinanggap,’” balik-tanaw ni 

Reaksyon dito ni Pilita, “Sinampal mo sana kaagad! Sabihin mo lang, ‘Eh, kasi mas maganda ako kaya ako ang kinuha.’ Ganyan ang answer na maganda.”

Nabanggit din ni Mamita sa vlog ni Janine na sana ay magpakasal na ito na talagang ikina-shock ng aktres.

“Not yet, Mita! You want me to get married na? One day but not soon!” sabi ni Janine sa lola na natatawa.

Tanong ulit ni Mamita, “Is it still Rayver (Cruz)?” na pabiro namang sinagot ni Janine ng “Well, we’ll see. Hahaha!”

Nalaman din ng netizens kung sino ba ang secret crush ni Janine na matagal na rin niyang itinago.

Oh my God, I’m too shy. Hindi pa siya artista no’n. I would see him kasi he would race with papa (Monching Gutierrez) kasi si papa nangangarera ng kotse. So, my crush talaga ever since is Matteo Guidicelli,” natatawa at kinikilig niyang pag-amin.

Dugtong niya, “But guys, Popster ako. I love Sarah G (Geronimo), so when they get married I was super happy for them and sobrang bagay sila.”

Sinegundahan naman ito ni Ms. Pilita at sinabing mabuting tao talaga si Matteo at kilala rin daw niya ang parents ito.

Anyway, nagbahagi rin si Janine sa lola niya kung ano ang kanyang biggest fear sa buhay.

“Of course, it’s about family pa rin especially during this pandemic. I always call you, always call papa and check guys if you’re doing okay.

“And what makes me feel better is I know that you guys are healthy and you’re doing talaga to keep up your immunity like drinking vitamins getting nutritious food and drinks. Parang that what’s really scares me now of course, anything to do with family or getting sick or anything like that,” wika pa ng aktres.