• Home
  • Fresh Scoops
  • Taong 2007 nang unang nagsama sa isang movie project sina Piolo Pascual at Regine Velasquez sa ‘Paano Kita Iibigin’.

Piolo Pascual, Regine Velasquez, nag-throwback sa kanilang unang proyekto

Taong 2007 nang unang nagsama sa isang movie project sina Piolo Pascual at Regine Velasquez sa ‘Paano Kita Iibigin’.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

05/01/2021 06:53 PM
Piolo Pascual, Regine Velasquez, nag-throwback sa kanilang unang proyekto

Reminiscing about their unforgettable experiences. Ito ang naging tema ng kuwentuhan nina Piolo Pascual at Regine Velasquez sa naging virtual conference ng restored and remastered 2007 Star Cinema movie na Paano Kita Iibigin. 

Ang Paano Kita Iibigin ay isa lamang sa mga pelikulang nasa pangangalaga ng ABS-CBN archives na sumailalim sa masusi at mabusising film restoration ng Sagip Pelikula na proyekto ng ABS-CBN film restoration.

EMBED: https://youtu.be/KCb8mWd-RCY


Sa exclusive video release sa naging ulat ng Cinema News, binalikan nina Piolo at Regine ang ilan sa kanilang mga experiences while doing their first project together.

Masarap lang siyang balikan because, hindi na ganun ‘yung disiplina natin sa pag-arte, mas less na ‘yung tao na involved, but it’s always going to be the fun memories for me doing stuff with Star Cinema because sobra ‘yung respeto sa film making na talaga namang sa dami nang nagawa kong pelikula, makikita mo na sila ‘yung hindi nagtitipid sa re-shoot, hindi sila nagtitipid kung kailangang alisin o bawasan, kasi what’s the intention is to come up with a beautiful film,” sambit ni Piolo.

Ayon kay Piolo na isa na rin movie and film producer ngayon, iba ang experience sa film making ang kaniyang natutunan habang ginagawa ang proyekto.

I just wanted to take note on the DOP the cinematography Charlie Peralta, sabi ko grabe ‘yung depth ng ilaw na’tin inilawan niya ‘yung sa office sa Mandaluyong, inilawan niya ‘yung buong warehouse, inilawan niya ‘yung buong dagat. Wow and this is film,” balik-tanaw ni Piolo. 

Talking about technicalities, ito rin ang isa sa mga nami-miss ni Piolo ngayong iba na ang paraan sa pag-gawa ng pelikula.

So ‘yung disiplina ng pelikula, ‘yun ang nakaka miss, and that’s one thing that people have to at least appreciate kasi back in the day, we would really spend and we really spend more hours waiting kasi pinapaganda ‘yung ilaw, pinapaganda ‘yung set and every blocking matters, ‘di ba? So kailangan doon ka mismo sa babagsakan mo kasi doon ang ilaw mo” aniya pa.

Tulad ni Piolo, memorable din para kay Regine ang mga panahon na ginagawa nila ng leading man ang Paano Kita Iibigin.

Para kay Regine, tatak sa kaniyang ang mismo ng theme song ni Piolo na sila rin mismo ang nagbigay buhay.

EMBED: https://youtu.be/1Xo2R150VtM

The beautiful song which was also the title of the movie was written by my husband, Ogie Alcasid and I think that’s one of the most beautiful songs he has ever written for me and I got to sing it with Piolo,” sambit ni Regine.

Pagmamalaki ni Regine, iba rin ang investment ng 2007 movie sa scoring na nagdala sa mga manonood ng mood while watching their film.

When you watch the movie it’s kasama lahat, the music, will put you in that mood. Kung nakakatawa, kung sad, if it’s an action, the music will definitely bring your emotion there. I hope that you guys will enjoy the restored version of Paano Kita Iibigin, I had so much nice and good memories, doing this film with Star Cinema with Piolo, with Uge (Eugene Domingo), and everyone else,” sambit ni Regine.

Meanwhile, isang pagpupugay naman ang ibinigay ni Piolo sa head ng Film Restoration ng ABS-CBN na si Leo Katigbak para sa efforts nito na bigyan muli ng kulay ang classic Filipino movies.

Ilan sa mga pelikulang naisalba ay ang mga Piolo Pascual classic movies tulad ng Don’t Give Up On Us, Till There Was You, Kahit Isang Saglit, at ang Milan.

EMBED: https://www.instagram.com/p/CKCZW_ondKp/?igshid=knbzqmci7v5d

If it’s not for your efforts wala rin magkakaroon ng film restoration. When I told you about us deserving to watch classic films, it came from one thing growing up and seeing this classic films in black and white siyempre. Sobra ‘yung appreciation and fascination ko sa film na kumbaga nadadala ka sa ibang dimension and I guess that’s also what we want to be able to promote. How it was, fifteen years ago? The film making then and the kind of respect we have for film because it speaks about our culture, it speaks about us as Filipinos as to how we do our films and I guess that’s I’m proud to say that I am part of this generation na talagang film pa ang gamit na sobra pa ang respeto sa film making,” pahayag ni Piolo.

Mapapanood ang Paano Kita Iibigin sa KTX.ph only 99 Pesos kasama ang ilan pa sa mga digitally remastered movie na pinagbibidahan ni Piolo Pascual.