• Home
  • Fresh Scoops
  • Ipina-train pa ni Direk Yam Laranas sina Diego Loyzaga at AJ Raval bago gawin ang intimate scene.

Director Yam Laranas ikinuwento kung paano inihanda sina Diego Loyzaga at AJ Raval  sa ‘all-the-way- scene’ sa ‘Death of a Girlfriend’

Ipina-train pa ni Direk Yam Laranas sina Diego Loyzaga at AJ Raval bago gawin ang intimate scene.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

05/01/2021 06:45 PM
Director Yam Laranas ikinuwento kung paano inihanda sina Diego Loyzaga at AJ Raval  sa ‘all-the-way- scene’ sa ‘Death of a Girlfriend’

Sumailalim sa intimacy or sensuality workshop ang mga bida ng pelikulang Death of a Girlfriend na sina Diego Loyzaga at AJ Raval bago sumabak sa syuting ng pelikula. Ito ay para maiwasang magkailangan sila kapag kinukunan na ang mga intimate scenes sa pelikula ng Viva Films na idinirek ni Yam Laranas. 

“First of all, I have to be honest kina Diego at AJ. I have to protect AJ, obviously, because she’s a newcomer. And Diego also, I have to protect him whether lalaki siya or baguhan siya o hindi.

That’s why pina-train ko sila sa what we call yung intimacy coordinator. Ginagawa sa Hollywood yan, eh. Ginagawa yan sa Los Angeles, which I hired here na isang friend ko who’s an acting director of PETA na pina-train ko sila like doing an intimacy workshop,” paliwanag ng director.


May intimate scene din daw sa pelikula na parang ni-rehearse na rin sa ginawang sensuality workshop nina Diego at AJ. 

Do’n sa sensuality workshop, nando’n na rin at the same time yung part of the scene. Tapos siyempre, andu’n yung how to take care of each other, parang ganun,” dagdag pa ni Laranas. 

Ipinagmalaki rin ng director ang pagiging masunurin at professional ng kanyang mga bida sa Death of a Girlfriend pagdating sa mga delikadong eksena. 

Lahad ng director, “Sinasabi ko parati kina AJ and Diego, ‘Basahin niyo lang yung script,’ the only time I will say something would probably be kapag hindi ko gusto yung eksena and rare yon na nangyari. 

Sabi ko sa kanila, ‘I trust my actors na kayo ang nandiyan. And then Diego, usap tayo, this is what you do and take care of AJ.’ And AJ, ‘Si Diego, trust him.’ And they went literally without malice, without being bastos about it. 

They went all the way because that’s what the story needed. And ako, as a director, wow! Everyone who saw it, I’m happy that they noticed how the actors did their job so well.” 

Very proud ding inamin ni Direk Yam na ang Death of a Girlfriend ang pinakapaborito niyang obra ngayon. 

Iba ito!” pagmamalaki pa niya. “Sinabi ko sa management and even to my friends, na so far, this is my favorite film na nagawa ko

So far, this is one of my best. Bago pa kami nag-umpisa, maganda kasi yung process na ginawa namin,” deklara pa niya.

Mapapanood ang Death of a Girlfriend sa Vivamax at sa iba pang streaming platform simula April 30, 2021.