• Home
  • Fresh Scoops
  • Winwyn Marquez recalls how she experienced anxiety during her marine reservist training.

EXCLUSIVE: Winwyn Marquez recounts anxiety attack during marine reservist training

Winwyn Marquez recalls how she experienced anxiety during her marine reservist training.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

04/09/2021 06:09 PM
EXCLUSIVE: Winwyn Marquez recounts anxiety attack during marine reservist training
Photo credit: @teresitassen IG

Ayon kay Winwyn Marquez sa panayam ng PUSH, wala siyang natatandaan na nakaramdam siya ng matinding depression noon kahit pa dumating ang pandemya dahil sa COVID-19 health crisis.

Paliwanag niya, “Depression kasi for me is a really, really big word. You cannot say you’re depressed because there are people that you don’t understand, ano talaga ang depression sa kanya?

“Personally, I don’t like saying I was depressed kasi iba rin po yon, eh. Hindi ko po puwedeng sabihin yon if I’m not diagnosed with depression talaga.”


Anxiety lang daw ang kanyang naramdaman nung panahong nagte-training siya para maging marine reservist sa Philippine Naval Reserve Command noong August of 2020.

“Yung anxiety na-feel ko rin yan when I was in training. Kasi nga pinili ko pa rin mag-train kahit nung panahong matindi ang COVID, and my dad (Joey Marquez) is a high-risk kasi senior citizen siya. Yung mom (Alma Moreno) ko naman meron siyang multiple sclerosis.

“May mga kapatid din ako na bata, so yung takot ko na kapag umuuwi ako baka mahawahan ko sila. Tinatanong ko na ang sarili ko, ‘Tama ba yung desisyon ko, tama ba yung ginawa ko?

“But I was just extra cautious with everything that I was doing – magpa-patest ako, gagawin ko lahat para mas safe sila at the same time hindi ko pinigilan yung sarili ko na gawin yung gusto ko. Kumbaga, meron akong silver lining na alam kong may mga tao na puwedeng magkasakit, kasi alam ko pag nagkasakit ako kaya ko, ayoko lang na makahawa ako.

“Yung fear ko ginawa ko na lang way para mas maging safe yung mga tao around me. Dapat may fear ka pa din, hindi naman puwedeng mawala yon basta-basta lang, di ba? So hindi nawala sa akin yung takot ko and siguro that caused some anxiety kasi every time you go home you question, ‘Okey ba ako, may sakit ba ako, makakahawa ba ako?

“Pero so far so good naman. Nagawan ko naman ng way na walang magkakasakit sa amin,”dire-diretsong pang paliwanag ni Winwyn.

Bida si Winwyn sa pelikulang Nelia kasama ang magaling na aktor na si Raymond Bagatsing. Wish ng former beauty queen na marami siyang matutunan working with Raymond.

“Si Kuya Raymond kasi talagang naka-focus siya sa character niya lagi and pagdating pa lang sa set hindi na siya nagdyo-joke, hindi na siya nakikipagkwentuhan, alam mong siya na yung character agad.

“And for me, gusto ko ganun ako, I hope I get that attitude kasi hindi puwedeng happy go lucky lang ako. This time I hope I could learn from Kuya Raymond kung paano mag-internalize talaga at makuha kaagad yung character kahit nasa tent pa lang kami,” pagtatpos ni Winwyn sa PUSH.