• Home
  • Fresh Scoops
  • Sarah Lahbati says many people don’t know the real Annablle Rama.

Sarah Lahbati shares tips on how to deal with a mother-in-law like Annabelle Rama

Sarah Lahbati says many people don’t know the real Annablle Rama.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

04/08/2021 01:12 PM
Sarah Lahbati shares tips on how to deal with a mother-in-law like Annabelle Rama
Photo Credit: @sarahlahbati and @annabelleramaig Instagram

Maganda ang relasyon ni Sarah Lahbati sa kanyang mother-in-law na si Annabelle Rama, ina ng kanyang mister na si Richard Gutierrez, na kilalang palaban at mataray sa showbiz kaya hindi maiwasang tanungin siya kung meron ba siyang puwedeng ibigay na tips sa pakikitungo sa babaing biyenan.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by SLG (@sarahlahbati)


 

“My tip would be to not judge a book by its cover,” mabilis na tugon ni Sarah.

“Kasi nga, as we all know, kilala si Tita Annabelle na masungit, mataray—this, this, this. But for me, the more I got to know her, the more I was patient and quiet kasi puwede mo naman... you have option na di ba? Sabayan mo yung level ng ingay niya or you know, beyond that same level?

“But for me, being patient and quiet and listening pays off kasi nga, you get to know the person more,” pahayag pa ni Sarah.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by SLG (@sarahlahbati)

 

Sa ibang hindi raw totoong nakakikilala sa nanay ni Richard, mabait daw ito at sweet na sobra niya raw na-appreciate.

“Akala ko din nakakatakot siya—masungit, maingay. Yes, sometime she’s still maingay, pero more than anything napaka-thoughtful niya, napakabait.

“Minsan magpapadala sa bahay ng kung anu-ano. Hindi naman namin binanggit na kailangan namin ng ganito, ng ganyan. Magpapadala ng pagkain, minsan magpapadala ng kurtina, yung mga bagay na naaalala niya na kailangan sa bahay. You know, she is sweet in that way,” kuwento ni Sarah.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by SLG (@sarahlahbati)

 

Meanwhile, ngayong may panibagong kontrata si Sarah sa Viva ay dream niya na makagawa ng action film.

“Ever since the day I decided I want to act, I think I was a teenager, I idolized Angelina Jolie for the longest time. I remember watching one of her action films with my dad and thinking, ‘Gusto kong gawin kung ano yung ginagawa niya. Gusto kong maging kagaya niya.’

Maybe an action film or maybe a superhero na puwedeng maging inspiring sa mga Filipinos especially now na madaming problema and negativity. Parang we want to uplift and give hope sa mga Filipinos. Maybe something like that ang gusto kong gawin,” hopeful niyang pahayag.