• Home
  • Fresh Scoops
  • Pumalag ang aktor na si Markus Paterson sa bashers ng kanyang anak na si Jude Trevor.

Markus Paterson, may bwelta rin sa bashers ng anak na si Jude

Pumalag ang aktor na si Markus Paterson sa bashers ng kanyang anak na si Jude Trevor.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

04/08/2021 01:20 PM
Markus Paterson, may bwelta rin sa bashers ng anak na si Jude
Photo Credit: @markus Instagram

Pumalag ang aktor na si Markus Paterson sa bashers ng kanyang anak na si Jude Trevor.

Sa Twitter nitong Miyerkules, Abril 7, nag-post si Markus ng screenshot ng ilang netizen na nagkomento tungkol sa itsura ng kanyang anak base sa mga retrato na ibinahagi ng aktres na si Erich Gonzales.

 


 

"Jusko po panginoon mahabagin, ba't ganyan ang mukha ng batang 'yan?" sabi ng isang netizen.

"Mukhang cabbage patch kids," dagdag ng isa pang basher.

Sa kanyang tweet, sinabi ni Markus: "Let's be honest. I'm no stranger to bashing. But come for my son and I will come for you.

"People like this make me sick, wala pang isang taon anak ko and ya'll making fun of a NEWBORN. Not gonna erase names, proud niyo eh."

 

Patuloy pa ng aktor: "For the people in this post, I have no words other than I hope you someday find the happiness you need to fulfill that hole in your hearts. Maybe one day I can check on you all since I have your names."

Sa hiwalay na tweet, ilan pang screenshot ang ibinahagi ni Markus kung saan bina-bash ang kanyang anak.

"The sad thing is, these people will cry about it claiming they're sorry. If you weren't caught, would you have been sorry? Hindi lang 'yun. 5 months old na bata. 5 MONTHS OLD," aniya.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Markus Paterson (@markus)

 

 

Dagdag pa ni Markus: "This is what we meant by, 'Keeping him safe from the cruel world we live in.’

"I'm not usually this vocal, especially about bashing. But my son is a different story. My baby boy is my flesh and blood and I would take a bullet for him.

"I thought I'd seen it all, but hating on a newborn baby has truly shocked me. Imaging if it was your child?"

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Markus Paterson (@markus)

 

Nauna nang bumuwelta ang girlfriend ni Markus na si Janella Salvador sa bashers ng kanilang anak. 

Sa kanyang Twitter account, sinabi ng aktres: "Your humor must be really f**ked up to make fun of a baby. I can take all the bashing in the world directed at me with grace, but direct it at my innocent son and you’ll definitely hear from me."

BASAHIN: Janella Salvador blasts netizen for bashing son's face

Enero nitong taon nang ipinakilala nina Janella at Markus ang kanilang anak na isinilang noong Oktubre sa United Kingdom (UK).

Matapos manatili sa UK nang ilang buwan, umuwi sa Pilipinas ang magkasintahan kasama ang kanilang anak nitong Pebrero.