• Home
  • Fresh Scoops
  • Pinahanga ni Samantha Bernardo ang mga kasamang beauty queen dahil sa kaniyang tapang sa pagkain niya ng bulate.

PANOORIN: Samantha Bernardo, kumain ng bulate sa Thailand

Pinahanga ni Samantha Bernardo ang mga kasamang beauty queen dahil sa kaniyang tapang sa pagkain niya ng bulate.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

04/07/2021 07:09 PM
PANOORIN: Samantha Bernardo, kumain ng bulate sa Thailand

Matapos masungkit ang first runner up placing sa naganap na Miss Grand International noong March 27, kasalukuyang nasa Bangkok, Thailand pa rin ang Pinay beauty na si Samantha Bernardo.

RELATED LINK: PH representative Samantha Bernardo finishes 1st runner-up at Miss Grand International 

Sa mga social media post ni Samantha, abala ngayon ang Grand International beauties sa kabi-kabilang media gatherings sa Thailand kung saan naka base ang Miss Grand International.


 

 

Pero bukod sa pagdalo sa media gatherings, makikita rin sa social media post ng pinay beauty ang side trip ng mga Miss Grand beauties kung saan pinuntahan nila ang iba’t ibang tourist spots sa Thailand.

 

 

 

 

 

 

 

 

Kasama sa pamamasyal ng mga beauty queens ang pag tikim sa iba’t ibang pagkain sa Thailand kabilang na ang exotic delicacies.

Tulad ng Pilipinas, kilala rin ang Thailand sa paghahain ng kakaibang mga pagkain tulad ng pagkain ng mga insects, reptiles, at bulate na hindi inurungan ng Pinay beauty queen.

Sa video, makikita ang pag kain ni Sam ng bulate na ikinagulat ng kaniyang mga kasamang beauty queen.

Video courtesy @samanthabernardo_ IG

Dahil sa travel restrictions, wala pang tiyak na petsa kung kailan magbabalik Pilipinas si Samantha na labis na inaabangan ng maraming taga suporta.