• Home
  • Fresh Scoops
  • Ilang kandidata na ng Miss Eco International ang positibo umano sa COVID-19 matapos ang beauty pageant sa Egypt.

Miss Eco International first runner up Kelley Day, stranded sa Egypt?

Ilang kandidata na ng Miss Eco International ang positibo umano sa COVID-19 matapos ang beauty pageant sa Egypt.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

04/07/2021 12:00 PM
Miss Eco International first runner up Kelley Day, stranded sa Egypt?
Photo Credit: @itskelleyday Instagram

Naglabas na ng kanilang official statement ang pamunuan ng Miss World Philippines Organization kasunod nang kumakalat ngayon na mga ulat tungkol sa COVID-19 outbreak umano sa mga naging kandidata ng Miss Eco International na ginanap sa Egypt.

Si Kelley Day ang kinatawan ng Pilipinas sa nasabing pageant na nakasungkit ng first runner up placement.

 


 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Kelley Day (@itskelleyday)

 

Sa statement na inilabas ng Miss World Philippines Organization, inihayag nito na nakarating sa kanila ang nasabing mga ulat tungkol sa pinangangambahan na COVID-19 outbreak sa grupo ng pageant organizers.

“Miss World Philippines is coordinating closely with the Miss Eco International organization in ensuring the health and safety of all the candidates in its recently concluded pageant.

“Our official candidate Ms. Kelley Day remains our topmost priority, and we remain optimistic as we await the results of the organizers routinary medical testing and procedures.”

Sa mga naglabasang ulat mula sa iba’t ibang pageant websites, sinasabing nag-positibo na umano ang ilan sa mga organizer at mga kandidata ng katatapos na Miss Eco International pageant kabilang na ang pageant owner na si Dr. Amaal Rezk.

 

 

“A reliable source just sent me a tip informing me that some of the contestants who competed at the recently concluded Miss Eco International pageant are stranded in Egypt because they tested #positive for COVID-19. Apparently, the pageant owner herself Dr. Amaal Rezk is also positive but didn’t tell anyone about it.

“Now these contestants are crying foul because they feel that the organization has abandoned them, and that they have to stay in Egypt indefinitely and pay for their own accommodations,” post pa ng pageant page na critical beauty.

Hindi man kumpirmado sa ngayon, patuloy na nakikipagtulungan ang Miss World Philippines Organization na siyang may hawak ng Philippine franchise sa nasabing international pageant.

Sa ngayon, umaasa ang maraming taga suporta ni Kelley na nasa maayos at ligtas ang kaniyang kalagayan.

RELATED ARTICLE: After Miss Eco International pageant, Kelley Day babalikan ang acting career