• Home
  • Fresh Scoops
  • Naglabas ng bagong vlog si Kiray Celis na pinamagatan niyang ‘exclusive house tour.’

PANOORIN: Kiray Celis, nakapagpundar na ng bahay sa Tagaytay?

Naglabas ng bagong vlog si Kiray Celis na pinamagatan niyang ‘exclusive house tour.’

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

04/05/2021 04:22 PM
PANOORIN: Kiray Celis, nakapagpundar na ng bahay sa Tagaytay?
Screenshot from Kiray Celis YouTube Channel

Marami ang natuwa sa inilabas na bagong vlog ng aktres at dating Goin’ Bulilit star na si Kiray Celis kung saan nagpa “exclusive house tour” ito.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Kiray Celis (@kiraycelis)


 

Unang pinasilip ni Kiray ang umano’y silid ng kanyang ama na aniya’y gusto lang ng simpleng matutulugan. 

“Gusto kasi ni Papa simple lang. Ito ‘yung kama, matibay na pundasyon. Wala pa masyado appliances so electric fan muna,” pagbabahagi ni Kiray.  

“Talaga namang masasabi ko na napakaganda ng naipundar naming bahay,” saad ni Kiray na tila namamangha pa rin sa kanyang nakikita. 

Ngunit isa marahil sa pinakapaborito ni Kiray na bahagi ng umano’y bahay niya ang tanawin na makikita sa likod nito. 

READ: Kiray lang malakas! Boyfriend of Kiray Celis trends over ‘kilig’ graduation photos

“Ito na ang pinakamagandang view sa lahat. Paglabas mo, ito ang makikita mo,” saad ni Kiray. 

“Napakaganda ng view. Sobrang ganda ng view. Maaliwalas. Talagang pag nakita mo ‘yung view, mawawala ‘yung problema,” dagdag niya. Biro pa ni Kiray: “Talagang life is so beautiful. And so are we.” 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Kiray Celis (@kiraycelis)

 

“Napakasarap sa feeling na makita lahat ng pinaghirapan mo,” saad ni Kiray. 

Ibinahagi naman ni Kiray nararamdaman niyang saya dahil sa umano’y pagkakataon na nabigyan ng bagong bahay ang kanyang pamilya. 

“Ang galing din ng parents ko kasi talagang ang sinop nila. Alam nila kung saan ilalagay ‘yung pera ko. Kasi lahat ng pera ko sa trabaho talagang derecho sa mga magulang ko. And dream ko talaga sa kanila ang mabigyan sila ng magandang pamumuhay,” ani Kiray. 

READ: Kiray Celis celebrates first monthsary with boyfriend Stephan Estopia

“I’m so happy na nakikita ko ‘yung hard work ko,” sambit ni Kiray.

Sa huli, nilahad ni Kiray na prank lang ang kanyang ginawang vlog. 

Panoorin ang video sa ibaba: 

Sumikat si Kiray sa kiddie gag show na Goin’ Bulilit. Lumabas din ito sa iba’t-ibang serye at pelikula ng ABS-CBN.