• Home
  • Fresh Scoops
  • Ipinakilala na bilang parte ng bagong ABS-CBN teleserye na ‘Marry Me, Marry You’ ang aktres na si Sunshine Dizon.

Sunshine Dizon, Kapamilya na!

Ipinakilala na bilang parte ng bagong ABS-CBN teleserye na ‘Marry Me, Marry You’ ang aktres na si Sunshine Dizon.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

04/30/2021 01:52 PM
Sunshine Dizon, Kapamilya na!
Screenshot from @dreamscapeph Instagram

Matapos ang maugong na usap-usapan noon na ober sa bakod ng Kapuso star na si Sunshine Dizon, pormal nang ipinakilala ang aktres bilang isang Kapamilya.

Sa Instagram post ng PPL Entertainment Inc ni Perry P. Lansingan na siyang humahawak sa karera ng dating Kapuso actress, kinumpirma nito ang latest development sa karera ni Dizon.

“Welcome, Kapamilya Sunshine!” caption ng PPLEntertainmentinc sa kanilang post kasunod ang tatlong puso na sumisimbolo sa kulay ng ABS-CBN.


 

 

Matatandaan na kamakailan lang, isa si Sunshine sa mga aktres na naging laman ng mga balita matapos umano na hindi ito mapabilang sa mga nakalinyang proyekto ng GMA-7  at hindi na ito nagrenew ng kontrata sa network.

Nakilala si Sunshine sa mga shows tulad ng  “Anna Karen Nina,” “Bakekang,” “Encantadia” at “Ika Anim na Utos.”

Big move sa kaniyang karera kung maituturing ang naging desisyon na ito ni Sunshine. Dahil sa kaniyang paglipat, isa ngayon ang aktres sa mga suhestiyon ng netizens na bumida sa Philippine adaptation ng “Doctor Foster” kahanay ang mga iba pang malalaking pangalan tulad nina Angel Aquino at Judy Ann Santos.

 

 

Sa ngayon, ang unang proyekto ni Sunshine sa ABS-CBN ay ang teleserye ng Dreamscape Entertainment na "Marry Me, Marry You" na pagbibidahan ng isa pang dating Kapuso star at bagong Kapamilya na si Janine Gutierrez.