• Home
  • Fresh Scoops
  • No. 1 P-Pop group SB19, kasama ng BTS, BlackPink, Seventeen at ni Ariana Grande bilang social artist finalists sa upcoming Billboard Music Awards.

SB19, unang Filipino group na kasama sa social artist finalists ng Billboard Music Awards

No. 1 P-Pop group SB19, kasama ng BTS, BlackPink, Seventeen at ni Ariana Grande bilang social artist finalists sa upcoming Billboard Music Awards.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

04/30/2021 03:39 PM
SB19, unang Filipino group na kasama sa social artist finalists ng Billboard Music Awards
Photo credit: @officialsb19 IG

In the running bilang top social artist ang P-pop group na SB19 sa 2021 Billboard Awards o BBMA. 

Kasama sa ng SB19 sa kategoryang ito ang top K-pop artists na BTS, BlackPink, Seventeen at popstar na si Ariana Grande.  

Inanunsyo ng Billboard ang pagkakasama ng SB19 sa fan-voted category nitong Biyernes, April 30. 


 

 

Ito ang unang pagkakataon na makasama ang isang Filipino group sa kategorya since nagkaroon nito noong 2011. Ang social artist category ay base sa fan interactions tulad ng music streaming at social engagement. 

Matapos ang announcement, agad namang nagpasalamat ang grupo sa kanilang mga fans sa Twitter.

“WE MADE IT, A'TIN! We are nominated for Top Social Artist of this year's Billboard Music Awards! We are so grateful for your love and support. We wouldn't have come this far without all of you. A'TIN 'TO! Iwawagayway ang WATAWAT!” 

 

 

Ang SB19 ay binubuo nina Pablo, Josh, Stell, Ken at Justin at nag-debut ang grupo noong October 26, 2018. Pinasikat ng SB19 ang ilang mga awitin tulad ng “Go Up,” “Tilaluha,” at “Alab.” Inirelease ang kanilang latest single na “What?” noong March 9. 

Ang Billboard Music Awards ay mapapanood via streaming sa Lunes, May 24, mula sa Microsoft Theater sa Los Angeles, California.