• Home
  • Fresh Scoops
  • Natanong ang matalik na magkaibigan na sina Darren Espanto at AC Bonifacio kung minsan bang nagkagusto sila sa isa’t isa.

Darren Espanto at AC Bonifacio, minsan bang nagka-crush sa isa’t isa?

Natanong ang matalik na magkaibigan na sina Darren Espanto at AC Bonifacio kung minsan bang nagkagusto sila sa isa’t isa.

BY
Pau Benoza

Twitter: @pauleaaa

FRESH SCOOPS

04/30/2021 11:21 AM
Darren Espanto at AC Bonifacio, minsan bang nagka-crush sa isa’t isa?
Photo Credit: @darrenespanto Instagram

Sabay na bumisita sina Darren Espanto at AC Bonifacio sa Magandang Buhay nitong Huwebes, Abril 29

Sa programa, naging bukas ang dalawa tungkol sa kanilang pagiging matalik na magkaibigan.

 


 

Ayon kay AC, sa anim na taong pagkakaibigan nila ni Darren ay kabisado na nila ang isa't isa.

"I think we've been there for each other through most of our problems, and our happiness, and everything. I can say I think I know Darren after six years. Hindi ko alam sa kanya, pero I think I know him well enough po," ani AC.

BASAHIN: AC Bonifacio grooves to BLACKPINK’s ‘Pretty Savage’

Nang matanong naman kung minsan bang nagkagusto sila sa isa't isa, iginiit pareho nina Darren at AC na mabuting magkaibigan lamang sila. 

"I think madami pong nagshi-ship po sa amin pero kami po ni Darren we have an agreement. Ano po kasi kami ni Darren... We help each other... Parang magkapatid na po kami eh. He's like a brother, an older brother that I didn't have po," paliwanag ni AC.

"Hindi po talaga. AC and I po talaga are just, you know, really good friends. We get each other po, eh, and it never crossed our minds na parang paano kung naging tayo? Kasi our friendship, our relationship isn't like that po talaga," sagot naman ni Darren.

Ayon pa kay Darren, malaki ang pasasalamat niya na lagi silang nandiyan ni AC para sa isa't isa. 

"We are just so thankful to have each other's back all the time," aniya.

Kasalukuyang magkatrabaho sina Darren at AC sa KaFamiliar Online Live ng Your Face Sounds Familiar at ASAP Natin 'To.