• Home
  • Fresh Scoops
  • Ibinahagi ni Darren Espanto kung ano ang dapat abangan sa kanyang comeback concert na ‘Home Run’ na gaganapin nitong Mayo.

Ano ang dapat abangan sa 'Home Run' concert ni Darren Espanto?

Ibinahagi ni Darren Espanto kung ano ang dapat abangan sa kanyang comeback concert na ‘Home Run’ na gaganapin nitong Mayo.

BY
Pau Benoza

Twitter: @pauleaaa

FRESH SCOOPS

04/30/2021 03:23 PM
Ano ang dapat abangan sa 'Home Run' concert ni Darren Espanto?

Isang digital concert ang handog ni Darren Espanto para sa kanyang mga tagahanga.

Pinakamagatang Home Run, ipapalabas ang concert sa Mayo 30, 8 p.m. Magkakaroon ito ng re-run sa Mayo 31, 10 a.m.

Mabibili ang VIP tickets, na may Zoom meet-and-greet pass bago magsimula ang show, sa halagang P1,500 sa Mayo 30 sa KTX.ph. Samantala, ang regular tickets ay mabibili naman sa halagang P699 sa KTX.ph, iWanTFC at TFC IPTV.


 

DARREN ESPANTO IS BACK! AND HE IS HOME! He is ready to conquer the concert stage and the online world with his all-out...

Posted by KTX on Wednesday, April 28, 2021

 

Sa Magandang Buhay nitong Huwebes, Abril 29, ibinahagi ni Darren, na kakabalik lamang ng Pilipinas mula sa Canada, kung ano ang mga dapat abangan ng kanyang mga tagahanga sa kanyang comeback concert.

"This concert po for me is very close to my heart since I'm going to be singing songs from my journey in showbiz and also my childhood po," ani Darren, na ipinaliwanag din kung bakit Home Run ang pamagat ng kanyang concert.

BASAHIN: Darren Espanto directs and records music video for ‘Believe in Christmas’ in Canada

"Home Run, kasi po, 'pag sinabi mong home run, parang nalibot mo na lahat. All four bases and stuff like that. And since I just came back from Canada po ngayon, parang it has come full circle, nakauwi na po ako. So that's why we call it Home Run. It's like I'm back home," sabi niya. 

Sa programa, ibinahagi rin ni Darren ang mga paghahanda niya para sa kanyang concert.

"Ngayon pa lang po ang dami na naming ginagawang meetings. And I just... I can't wait to go to rehearsals and finally ma-experience po 'yung magka-band and dance rehearsals ulit," ani Darren, na hindi maitago ang kanyang pananabik para sa kanyang Home Run concert.

"I'm so excited kasi I'm working with the people who are close to my heart as well. My record label MCA Music, my ABS-CBN family, Star Events. So I hope you guys could please watch it," aniya.