• Home
  • Fresh Scoops
  • Muling binalikan ng aktres na si Sunshine Cruz ang naging karanasan niya matapos mag-positibo sa COVID-19.

Sunshine Cruz, labis ang pasasalamat matapos gumaling sa COVID-19

Muling binalikan ng aktres na si Sunshine Cruz ang naging karanasan niya matapos mag-positibo sa COVID-19.

BY
Pau Benoza

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

04/29/2021 06:12 PM
Sunshine Cruz, labis ang pasasalamat matapos gumaling sa COVID-19
Photo credit: @sunshinecruz718 IG

Muling binalikan ni Sunshine Cruz ang naging karanasan niya matapos mag-positibo sa COVID-19.

Sa Magandang Buhay nitong Martes, Abril 27, inamin ng aktres na hindi naging madali ang pinagdaanan niya para labanang mag-isa ang coronavirus.

 


 

"It was hard because I had to isolate for 21 days. Tapos alam mo 'yung parang nalulungkot na ako kasi nakikita ko 'yung mga iba na... kasi meron ding mga nag-test nang positive tapos after 14 days, they were already working out, they were with their families and their kids. So parang ako, what is happening? How come 'yung symptoms ko ang tagal tagal talagang nawala? Kaya nga I lost 10 pounds," ani Sunshine.

Gayunpaman, malaki ang pasasalamat niya na nalampasan niya ang COVID-19.

"Pinagpapasalamat ko pa rin sa Diyos, nakikita ko rin na ang dami daming nag-ii-struggle sa hospital, nahihirapan talaga. Pero ako, I was able to survive 'yung pagkakaroon ng COVID inside my house, isolated, at wala namang nahawa kahit sino. So that alone is a blessing already," sabi niya.

BASAHIN: Sunshine Cruz confirms she tested positive for COVID-19

Samantala, nagpapasalamat din si Sunshine sa kanyang nobyo na si Macky Mathay sa pag-aalaga sa kanya noong siya ay nagkasakit.

"Nung nagkasakit ako, siya 'yung nagpapadala lagi ng food. 'Pag may kailangan akong gamot na out of stock, siya 'yung naghahanap," kuwento ni Sunshine. 

Bumisita si Sunshine sa Magandang Buhay upang imbitahin ang mga manonood na tutukan ang huling linggo ng teleseryeng Bagong Umaga, kung saan isa siya sa mga bida.