• Home
  • Fresh Scoops
  • Sinisi ni Jolo Revilla sa intern ng kanyang social media team ang pagkakamali niya sa isang post sa Facebook.

Jolo Revilla, humingi ng paumanhin matapos tawaging ‘bayani ng bayan’ si Magellan

Sinisi ni Jolo Revilla sa intern ng kanyang social media team ang pagkakamali niya sa isang post sa Facebook.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

04/29/2021 10:00 AM
Jolo Revilla, humingi ng paumanhin matapos tawaging ‘bayani ng bayan’ si Magellan
Photo Credit: @jolo_revilla Instagram

Humingi ng paumanhin ang aktor-politician na si Jolo Revilla kasunod ng kanyang natanggap na pambabatikos dahil sa kanyang pagtawag sa mananakop na si Ferdinand Magellan bilang isang bayani. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Jolo Revilla (@jolo_revilla)


 

Sa pagdiriwang ng ika-500 na anibersaryo ng tinaguriang Victory at Mactan kung saan naipanalo ni Lapu-Lapu ang laban sa mga mananakop na pinangunahan ni Ferdinand Magellan, nagbigay ng mensahe ang Bise Gobernador ng Cavite na si Jolo Revilla. 

READ: Jolo Revilla celebrates first wedding anniversary with Angelica Alita

Ngunit imbes na gunitain si Lapu-Lapu, si Magellan ang ipinagdiwang ni Jolo — dahilan upang makatanggap siya ng pambabatikos mula sa netizens. 

Saad nito sa nasabing post: “Isang pagsaludo sa kagitingan ng isa sa mga unang bayani ng bayan na si Ferdinand Magellan na nagbuwis ng buhay para sa kalayaan 500 taon na ang nakararaan!”

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Jolo Revilla (@jolo_revilla)

 

Kaya naman naglabas ng pahayag si Jolo at sinabing humihingi siya ng paumanhin kaugnay sa nangyari. 

“I apologize for the earlier confusing post on our celebration of Lapu-lapu's victory in Mactan 500 years ago,” ani Jolo. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Jolo Revilla (@jolo_revilla)

 

Sinisi naman ni Jolo ang umano’y intern ng kanyang social media team sa pangyayari. 

“An intern in our social media team posted the caption to our meme without first clearing it,” saad ni Jolo. 

Muli naman itong humingi ng paumanhin partikular na sa mga Cebuano. 

“Again, my sincerest apologies to our Cebuano kababayans and to all Filipinos,” sambit ni Jolo. 

Sa ngayon, burado na ang nasabing post sa Facebook account ni Jolo.