• Home
  • Fresh Scoops
  • Jhong Hilario, nagkuwento tungkol sa kanyang buhay bilang ama

Jhong Hilario, nagkuwento tungkol sa kanyang buhay bilang ama

Jhong Hilario, nagkuwento tungkol sa kanyang buhay bilang ama

BY
Pau Benoza

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

04/29/2021 09:03 AM
Jhong Hilario, nagkuwento tungkol sa kanyang buhay bilang ama
Photo Credit: @jhonghilario Instagram

Masayang nagkuwento ang aktor na si Jhong Hilario sa kanyang buhay bilang isang bagong ama.

Sa Magandang Buhay nitong Miyerkules, Abril 28, sinabi ni Jhong na bagamat naninibago siya ay masayang masaya siya sa kanyang pagiging ama sa anak na si Sarina.

"Ito, walang tulog. Pero masaya. Sobrang nakakatuwa na meron na 'kong baby," ani Jhong.


Gayunpaman, inamin ni Jhong na nakaramdam siya ng matinding takot noong kapapanganak pa lang ni Sarina, na anak niya sa longtime partner niyang si Maia Azores.

BASAHIN: Jhong Hilario welcomes arrival of baby daughter Sarina

"Pero kailangan ko lakasan 'yung loob ko kasi wala namang gagawa nun. Siyempre si Maia, bagong operada rin. CS siya, eh. So hindi pa rin masyadong makagalaw. Kailangan ako kasi wala rin naman kaming kasambahay," dagdag ni Jhong.

Ayon kay Jhong, bilang ama, ilan sa mga nakatoka sa kanya ay ang pagpapaaraw at papalit ng diaper ni Sarina. 

 

 

"Unang una 'yung pagpapaaraw. Kailangan kong gumising na 6:30 ng umaga para mapaarawan si Sarina. Tapos 'yung pagligo, ako nagpapaligo sa kanya. Syempre, palitan din kami [ni Maia] sa palitan ng diapers at pagpapalit ng damit," kwento ni Jhong. 

Nang naman matanong kung bakit Sarina ang napili nilang pangalan ng kanilang anak, sagot ni Jhong: "Sarina, galing 'yan sa Hebrew name na ibig sabihin ay princess. Ang second naman niya ay Oceania kasi mahilig kami sa dagat, eh. Nung buntis din si Maia, nasa beach kami, nagsi-swimming kami. So more on water, eh. So naisip namin ocean, princess of the ocean, kaya Oceania."

Sa programa, nagbigay din ng kanyang reaksyon ang aktor sa bansag sa kanyang anak na "Sample Princess".

“Kasi parang hindi naman ako papayag na talagang hindi siya matutong magsayaw. Sabi ko nga, siguro it’s time na ‘yung talent ko ipasa ko naman sa kanya," aniya.