• Home
  • Fresh Scoops
  • Bata pa lamang ay tila hilig na ng anak nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo na si Lilo ang pagsu-surf.

PANOORIN: Anak ni Eigenmann na si Lilo, muling nag-surfing kasama ang ama

Bata pa lamang ay tila hilig na ng anak nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo na si Lilo ang pagsu-surf.

BY
Pau Benoza

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

04/28/2021 01:57 PM
PANOORIN: Anak ni Eigenmann na si Lilo, muling nag-surfing kasama ang ama
Photo Credit to @andieigengirl Instagram and Screenshot from Happy Islanders YouTube Channel

Bata pa lamang ay tila hilig na ng anak nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo na si Lilo ang pagsu-surf.

Sa kanilang pinakabagong vlog, ipinasilip ni Andi ang surfing session ni Lilo kasama ang ama kung saan makikitang lakas loob itong sumakay sa alon ng dagat sa Siargao. 


Matatandaan na sampung buwan gulang pa lamang si Lilo noong una siyang sumampa sa board at nag-surf kasama ang ama.

BASAHIN: Andi Eigenmann’s 10-month-old daughter goes surfing

Sa parehong vlog, ipinakita rin ni Andi ang mga activities na kadalasang ginawa nila kasama ang mga anak sa Siargao. 

Ayon kay Andi, kahit ngayong mga magulang na sila ni Philmar ay hindi nila nakakalimutang gawin ang mga bagay nagpapasaya sa kanila.
  
"We both have our own thing. Aside from being parents, hindi namin kakalimutan 'yung mga sarili naming hobbies and interests, and we both always like to give each other the chance to still be able to do that. Because I don't know... I feel like that's also what helps make our relationship work. Hindi 'yung parang you're just stuck with each other. Although we love that and as you can see on our vlogs that we're such a clingy family. Balanced lang. So may mga times na we both want to do our own thing and that's perfectly fine," ani Andi.

"While Papa goes out surfing, or motocross siya — bago niyang hobby ‘yun — I get to have my own time to do what I want as well. That’s also surfing, [but] hindi pa ‘ko pwede mag-surfing. But at the same time, I do like having my me time with the kids. I also think that that’s what helps me drive as a parent," dagdag pa niya.