• Home
  • Fresh Scoops
  • Ngayon na pareho silang single, may pag-asa pa bang magkatuluyan sina Jeffrey Hidalgo at Geneva Cruz?

Jeffrey Hidalgo, binasted ni Geneva Cruz noon dahil kay Raymart Santiago

Ngayon na pareho silang single, may pag-asa pa bang magkatuluyan sina Jeffrey Hidalgo at Geneva Cruz?

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

04/27/2021 04:56 PM
Jeffrey Hidalgo, binasted ni Geneva Cruz noon dahil kay Raymart Santiago
Photo Credit: @jepoyhidalgo and @raymartsantiago Instagram

Inamin ng singer-actror turned director na si Jeffrey Hidalgo sa kanyang virtual media conference sa Viva na niligawan niya noon ang dating kasamahan sa Smokey Mountain na si Geneva Cruz. Pero basted daw siya kay Geneva at naging best of friends lang sila.

“Inaamin ko naman. Kahit si Geneva, eh, kasi open naman kami diyan, eh. Nanligaw ako sa kanya nu’ng high school ako kaya siya yung Grad Ball date ko. Pero nabasted ako. I think si Raymart (Santiago) yata yung (gusto niya noon),” pagtatapat at balik-tanaw ni Jeffrey.

Mula noong 1989 nang i-launch ang Smokey Mountain hanggang ngayon ay nananatiling malapit si Jeffrey kay Geneva kaya hindi maiwasang tuksuhin ang dalawa ng kanilang fans.


READ: Jeffrey Hidalgo gustong magdirek ng mga erotic films sa Viva

Ani Jeffrey, “Hindi namin alam kung matutuwa kami or magiging uncomfortable. Buti na lang, we’re very open to each other. Nagugulat kami, especially nung nag-Boracay kami. Nagpo-post kami ng pictures, parang ginawa na kaming love team ng fans namin.

"Si Geneva, nagugulat din siya. Kapag nagpo-post siya na kaming dalawa, grabe yung engagement, grabe yung likes.”

Sa tanong kung posible bang matuloy na ang naudlot nilang relasyon noon dahil pareho naman silang single ngayon ay napangiti lang si Jeffrey.

“Nag-evolve na yung friendship namin, parang magkapatid kami talaga,” tugon ni Jeffrey. “Ganun kami ka-close. I’m not closing any doors, pero as of now, hindi talaga, eh. Platonic yung bonding namin.

“Ganu’n kami ka-close, like kung paano ang pagmamahal n’ya sa akin at sa kapatid ko—kay Arnee (Hidalgo). Parang ganu’n din ako with her sisters. Kaya nga nu’ng time, nu’ng last birthday ni EJ (sister ni Geneva), magkakasama kami.

“So, yon na naman. Nu’ng nakita na naman nu’ng fans namin na nandu’n ako sa family picture, ‘Oh, si Direk, ganyan, ganyan. Magkasama na naman sila nu’ng family.’ Hindi ko alam ‘tong mga fans namin sa Smokey Mountain masyadong kinikilig sa amin,” natatawang sabi ni Jeffrey.

If given the chance, okey naman daw sa kanila ni Geneva ang magsama sa isang project.

“We’re open kung magkakaroon kami ng projects together. Sabi ko kasi, ‘Gawa nga tayo ng pelikula. Ang daming kinikilig sa atin, eh.’ Open kami diyan. Walang problema ‘yan,” huling pahayag ng Viva artist.