Dominic Roque, susunod sa yapak ni Bea Alonzo sa vlogging

Magiging vlogger na rin si Dominic Roque.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

04/27/2021 10:40 AM
Dominic Roque, susunod sa yapak ni Bea Alonzo sa vlogging
Photo Credit: @dominicroque Instagram

Papasukin na rin ni Dominic Roque ang mundo ng pagva-vlog. Ito ang inanusyo ng aktor nitong Sabado, Abril 24. 

 

 

Pagbabahagi ni Dominic sa kanyang Instagram post, excited na siyang ilabas ang kanyang kauna-unahang vlog. 

Tingnan ang kanyang post sa ibaba: 

 

 

Samantala, ikinatuwa naman ng tiyahin nitong si Beth Tamayo ang kanyang bagong tatahaking karera. 

“Exciting times ahead,” komento ni Beth sa post ni Dominic. 

Isa lamang si Dominic sa maraming artista na pinapinasok ang mundo ng vlogginf upang mas maging malapit sa kanilang mga tagahanga. Isa rin itong paraan upang kumita sila ng pera. 

Umaasa naman ang mga tagahanga ni Dominic na maglalabas din ang aktor ng isang vlog kasama ang kanyang dine-date na si Bea Alonzo. 

 

 

“Collab with B please! When kaya?” komento ng isang tagahanga na may user name na @beadom_shippers. 

Naunang pinasok ni Bea Alonzo ang YouTube content creation kung saan mayroon na siyang mahigit 1.6 million followers. 

Kamakailan lang ay kinumpirma ni Bea Alonzo ang kanyang napapabalitang relasyon sa aktor. 

READ: Bea Alonzo confirms she’s dating Dominic Roque

Unang naugnay sina Dominic at Bea noong nakaraang taon nang mamataang magkasama ang dalawa. 

Lalong umugong ang balita na may namamagitan sa dalawa Enero nitong taon dahil paniwala ng mga tagahanga nito nagsama ang dalawa sa isang date. 

WATCH: Bea Alonzo, ayaw pag-usapan ang dating life nila ni Dominic Roque | PUSH Daily

Naniniwala din ang mga tagahanga nila na magkasama silang pumunta sa Amanpulo kamakailan.