• Home
  • Fresh Scoops
  • May bali-balitang nagkabalikan sina Tekla at ang kanyang dating live-in partner na si Michelle Lhor Bana-ag.

Tekla nagkipagbalikan nga ba sa dating live-in partner?

May bali-balitang nagkabalikan sina Tekla at ang kanyang dating live-in partner na si Michelle Lhor Bana-ag.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

04/26/2021 10:12 AM
Tekla nagkipagbalikan nga ba sa dating live-in partner?
Screenshot from Donekla in Tandem and Ogie Diaz YouTube Channel

Nilinaw ng komedyanteng si Tekla na hindi totoo ang bali-balitang nagkabalikan na sila ng live-in partner niyang si Michelle Lhor Bana-ag. Ang madalas daw nilang pagkikita ng dating partner ay dahil sa health condition ng anak nilang si Angelo.

Si Tekla ay inireklamo noon ni Michelle sa programa ni Raffy Tulfo ng pambabastos pero nung kinalaunan ay mas kinampihan pa ni Tulfo si Tekla dahil sa ilang mga hindi totoong alegasyon na ibinato sa kanya ni Michelle.

Tanong ni Donita Nose kay Tekla sa kanilang YouTube channel, “Kung wala kang dyowa, bakit kayo nagkikita ni Michelle? Bakit kayo nagkikita ulit?”


Tugon ni Tekla sa kaibigan, nag-aabot daw siya ng panggastos ng anak kaya sila nagkikita ni Michelle.

“Eto na lang. Ang kondisyon po kasi ni Angelo ay napakaselan. Unang-una, may cleft palate siya. Parang bingot pero sa loob. Biyak ang kanyang ngala-ngala. So hindi siya nakaka-intake ng food directly.

“Kinakabitan siya ng NGT (Nasogastric tube). Yung NGT na ‘yon, from time to time nahihila niya, so kailangang dalhin sa clinic para ikabit. Ganu’n ka-vulnerable, ganu’n kaselan po ang sitwasyon ni Angge (tawag niya sa anak),” katwiran ni Tekla.

“Oo, yon ang sinabi niya. Sabi ko kasi sa kanya alis siya nang alis, ‘Te, si Angge, ganito, ganyan,’ pagsang-ayon naman ni Donita sa kaibigan.

“Ipinakita niya naman sa akin ang mga pictures at naintindihan ko naman. Kaya ko siya kinuwestiyon nang ganu’n madalas siyang umaalis, kasi baka mamaya, dumating na naman sa point na magkabalikan na naman sila. Kaya tinanong ko siya that time para maamin niya,” dugtong ni Donita.

Muli naman nagpaliwanag si Tekla at iginiit na hindi talaga sila nagkabalikan ng dating karelasyon.

“Wala! Hindi kami magkasama,” diin niya. “To clear lang sa issue, wala po. Yang kay Michelle is may malaking parte ako diyan na responsibilidad,” sey pa niya.

“Kahit sa anong batas naman po, kahit na ikaw yung pinakamayaman na tao, mapera ka, maimpluwensya ka, ganu’n po katibay ang batas natin pagdating sa kustodiya ng bata—sa mother talaga (mapupunta).

“Pag ang mother hindi able… hindi ko na yon… kasi magulo na yon, eh. Doon na lang ako sa medyo ano ko for the safety lang ni Angge,” paliwanag pa ni Tekla.