• Home
  • Fresh Scoops
  • Ito ang unang pagkakataon na bibida sa isang proyekto ang Momshies ng “Magandang Buhay” na sina Karla Estrada, Melai Cantiveros at Jolina Magdangal.

SILIPIN: Pagbibidahang proyekto ng mga ‘Magandang Buhay’ momshies

Ito ang unang pagkakataon na bibida sa isang proyekto ang Momshies ng “Magandang Buhay” na sina Karla Estrada, Melai Cantiveros at Jolina Magdangal.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

04/26/2021 04:31 PM
SILIPIN: Pagbibidahang proyekto ng mga ‘Magandang Buhay’ momshies
Photo Credit: @mariajolina_ig, @karlaestrada1121 and @mrandmrsfrancisco Instagram

Isang kapanapanabik na proyekto ang handog ng Magandang Buhayhosts na sina Karla Estrada, Jolina Magdangal at Melai Cantiveros.

Sa isang social media post ng movie director na si Easy Ferrer noong Apri 25, ipinasilip nito ang ilang sa mga litrato ng mga eksena sa new movie nina Karla, Jolina at Melai.

 


 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Easy Ferrer (@easyferrer)

 

“SOULid Sunday tots: Ipikit ang mata at mag-meditate, forget everything that you hate. Para iwas stress, mag-relax at 'wag iisiping Lunes na naman bukas,” caption ng direktor sa Instagram post.

Sa post ibinahagi na rin ng movie director ang title ng upcoming project ng “Magandang Buhay” hosts na “Momshies Ang Soul Mo'y Akin,” na soon ay mapapanood na sa iba’t ibang digital streaming platforms tulad ng KTX.ph, iWant TFC, TFC IPTV, Sky Cable PPV and Cignal PPV.

 

 

Ito ang unang pagkakataon na bibida na magkakasama sa isang movie project sina Karla, Jolina at Melai, na naging malalapit na magkaibigan nang dahil sa unang season ng Your Face Sounds Familiar, kung saan sila ay mga contenders. Matapos ang contest ay naging first-time hosts din ng isang morning show ang tatlo at still on going na Magandang Buhaysa ABS-CBN.