• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi man aktibo ngayon sa showbiz, aktibo naman sa pagtulong ang dating aktor ngayong panahon ng pangangailangan.

Kier Legaspi, gumawa ng bersyon ng community pantry

Hindi man aktibo ngayon sa showbiz, aktibo naman sa pagtulong ang dating aktor ngayong panahon ng pangangailangan.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

04/26/2021 04:10 PM
Kier Legaspi, gumawa ng bersyon ng community pantry
Photo Credit to Kier Legaspi Facebook

Ngayong panahon ng pagtutulungan, isa si Kier Legaspi sa mga showbiz personality sa mga hindi nagdalawang isip na magpaabot ng tulong sa mga nangangailangan.

Sa social media post ni Kier, ibinahagi ng dating aktor ang kaniyang naging paraan para makatulong sa mga kababayang kapos ngayon sa pang araw-araw na pagkain dahil na rin sa hagupit ng krisis dala ng COVID-19 pandemic.

“Gumawa ng mabuti habang may pagkakataon. Acts 20:35 - Lalo pang mapalad ang magbigay kaysa tumanggap,” post ni Kier kalakip ang litrato ng kaniyang sinisimulan na community pantry.


Inspirasyon ng dating aktor ang Maginhawa community pantry na pinasimulan ni Ana Patricia Non sa pagtulong sa mga kababayan.

“Sa kabila ng aking paggawa isang bagay ang alam ko. Ako’y isang aliping walang kabuluhan,” ani Kier sa series of Facebook posts na kaniyang ibinahagi. “To God be the Glory! Thank you wifey for supporting! #teamwork #husbandandwife” sundot pa ng dating aktor sa post.

Isa lamang si Kier Legaspi sa mga personalidad na gumawa ng kanilang sariling hakbang para matulungan ang mga kababayang kinakapos ngayon.

Kamakailan lang, sinumulan rin nina Paolo Ballesteros at Pokwang ang kanilang sariling bersyon ng community pantry na kanila namang tinawag na “Pantry Sisters”.

RELATED LINK: ‘Pantry Sisters’: Paolo Ballesteros at Pokwang, kapit-bisig sa pagtulong