• Home
  • Fresh Scoops
  • Isang mensahe ang ibinahagi ni Min Bernardo para sa kaarawan ni Daniel Padillla, ang nobyo ng kanyang anak na si Kathryn Bernardo.

Ina ni Kathryn Bernardo, may mensahe para sa kaarawan ni Daniel Padilla

Isang mensahe ang ibinahagi ni Min Bernardo para sa kaarawan ni Daniel Padillla, ang nobyo ng kanyang anak na si Kathryn Bernardo.

BY
Pau Benoza

Twitter: @pauleaaa

FRESH SCOOPS

04/26/2021 01:44 PM
Ina ni Kathryn Bernardo, may mensahe para sa kaarawan ni Daniel Padilla
Photo Credit: @bernardomin Instagram

Isang mensahe ang ibinahagi ni Min Bernardo para sa kaarawan ni Daniel Padillla, ang nobyo ng kanyang anak na si Kathryn Bernardo.

Nagdiriwang ng kanyang ika-26 kaarawan ang aktor ngayong Lunes, Abril 26.

 


 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Min Bernardo (@bernardomin)

 

"Happy 26th birthday @supremo_dp. Mahigit na 10 taon ka na naming nakilala. Mula nung nagsisimula ka pa lang magbinata, nakita ko ang kalokohan at kapilyuhan mo sa lahat ng bagay pero napagdaanan nating lahat ang mga yan. Nakita din naming lahat ang tunay na Daniel John Ford: maalaga, mapagmahal at mabait na anak at kapatid," ani Min.

"Ngayon, muling nadagdagan na naman ng isang taon ang iyong edad. We always pray that God bless you more, gives you strength and teach you more additional knowledge to face the future," dagdag niya.

Ayon sa kanyang ina na si Karla Estrada, ginunita ni Daniel ang kanyang kaarawan sa pamamagitan ng pamamahagi ng food packs sa mga tao sa lansangan.

Isang community pantry din ang inorganisa ng mga kaibigan ni Karla sa Tacloban, Leyte para ipagdiwang ang birthday ng aktor.

BASAHIN: Angel Locsin puts up own community pantry to celebrate 36th birthday

Nauna nang ipinagdiwang ni Daniel ang kanyang kaarawan sa " noong Linggo, Abril 25.

Sa programa, ibinahagi ni Daniel ang kanyang birthday wish. 

"Ang wish ko na lang, sana maging maayos na ang situwasyon nating lahat. Para sa ating lahat, matapos na ang pagdurusa," aniya.