• Home
  • Fresh Scoops
  • Isang community pantry ang itinayo sa Tacloban, Leyte upang ipagdiwang ang ika-26 kaarawan ng Kapamilya actor na si Daniel Padilla ngayong Lunes, Abril 26.

Community pantry, itinayo para ipagdiwang ang kaarawan ni Daniel Padilla

Isang community pantry ang itinayo sa Tacloban, Leyte upang ipagdiwang ang ika-26 kaarawan ng Kapamilya actor na si Daniel Padilla ngayong Lunes, Abril 26.

BY
Pau Benoza

Twitter: @pauleaaa

FRESH SCOOPS

04/26/2021 01:30 PM
Community pantry, itinayo para ipagdiwang ang kaarawan ni Daniel Padilla
Photo Credit: @karlaestrada1121 Instagram

Namahagi ng blessings ang aktor na si Daniel Padilla sa kanyang ika-26 kaarawan ngayong Lunes, Abril 26.

Sa Instagram, sinabi ni Karla Estrada, ina ni Daniel, na namahagi sila ng food packs sa mga tao sa lansangan upang gunitain ang kanyang birthday.

 


 

"Goood mooorning!!!! Pag may birthday sa pamilya, matic na sa mga kasamahan ko sa bahay na dapat maraming imbitado! Pero dahil sa sitwasyon natin ay kami na lang maghahatid ng kaunting salo salo sa inyo," sabi ng Magandang Buhay host.

"Kuya gising! Bertday ni Dj, kain tayo! Salamat sa mga volunteers ko, MAC AT JINES!" dagdag niya.

Sa isa pa niyang post, pinasalamatan ni Karla ang kanyang mga kaibigan sa Tacloban, Leyte sa pag-oorganisa ng community pantry para ipagdiwang ang kaarawan ni Daniel. 

BASAHIN: Angel Locsin puts up own community pantry to celebrate 36th birthday

 

 

"Maraming maraming salamat sa aking mga SANGKAY (kaibigan) sa Tacloban sa pag-organisa ng pagkakawang gawa. Ito ay buong puso nilang ginawa para sa pagsalubong sa kaarawan ni Daniel," ani Karla.

"Mabuhay kayo aking mga kaibigan!!!" patuloy niya. "Masayang maging bahagi ng paghatid tulong sa kapwa. TO GOD BE ALL THE GLORY."