• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi lang isa, kung ‘di dalawang beses nakasungkit ng Best Actress award si Charlie Dizon para sa pelikulang ‘Fan Girl’.

Charlie Dizon, idinetalye ang paghahanda sa mga bagong proyekto

Hindi lang isa, kung ‘di dalawang beses nakasungkit ng Best Actress award si Charlie Dizon para sa pelikulang ‘Fan Girl’.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

04/25/2021 05:44 PM
Charlie Dizon, idinetalye ang paghahanda sa mga bagong proyekto
Photo Credit: @com/charliedizon_ Instagram

Kasunod nang best actress awards na kaniyang natanggap para sa pelikulang Fan Girl, isa ang Kapamilya actress na si Charlie Dizon sa mga bituin na naniniwala sa kahalagahan ng acting workshops.

“Opo, actually every project nga po gusto ko nga po na nag workshop nga sana ako,” bungad ni Charlie sa digital press conference ng Star Magic Summer Workshop 2021.

RELATED LINK: Star Magic Summer Workshop class 2021, aarangkada ngayong Mayo


Si Charlie Dizon ang itinanghal na Best Actress sa naganap na 2020 Metro Manila Film Festival gabi ng parangal na nasundan pa ng pagkilala bilang best actress muli sa 4th EDDYS award para rin sa pelikulang Fan Girl.

 

 

 

At para kay Charlie na muling sasabak sa isang proyekto sa telebisyon, isang workshop din ang kaniyang pinagdaanan ngayon.

“Actually may gagawin po kasi akong teleserye. Nag workshop din po ako kasi hindi rin po ako umabot sa summer workshop ni direk Rahyan (Carlos), pero nag workshop din po ako kasi, ‘yun din po kasi ang lagi kong iniisip na parang kada project, since bago po siya, kailangan po talaga mag workshop at na wa-warm up po ulit,” aniya sa panayam.

At bilang baguhan sa pag-arte sa harapan ng camera, aminado si Charlie na ang workshop ang kaniyang comfort zone para ibigay ang kaniyang sarili sa karakter na ginagampanan.

“Kasi not all the time po nabibigyan kami ng chance na makapag practice and doon ka pa pwedeng magkamali sa workshop na ‘yun. And yun ang goal ko sana na ‘sana hindi ako masyado magkamali sa work.’ Kaya for me, ‘yun po talaga ang importance ng workshop na sana laging ginagawa po ng mga actors bago po tumuntong sa isa pong project,” sambit pa ng aktres.

At ngayong tumanggap ng dalawang parangal para sa kaniyang naging papel na fan sa Fan Girl, ramdam ni Charlie na kailangan pa niyang paghusayan ang mga susunod na proyekto na ibibigay sa kaniya.

“Honestly po, opo” sagot ni Charlie sa tanong kung nakakaramdam ba siya ng pressure sa upcoming projects.

Para sa award winning actress: “Hindi ko nga po masyado iniisip  na nanalo ako kasi ‘yun po ang napi-feel ko ang nape-pressure po ako. So mas mina-mindset ko po ‘yung sarili ko na mas galingan sa ginagawa ko and ayoko na rin po na isipin na may pressure na ganun,” aniya pa.

Unti unti man nakikilala ngayon, paglilinaw ni Charlie na walang pagkakataon na namimili siya ngayon ng proyekto na inaalok para sa kaniya.

“Yung lahat naman po ng ino-offer sa akin maayos din naman po talaga. and yung gusto ko naman po ‘yung project… ‘yun naman po talaga ‘yung goal ko— ang mahalin ko ang project kasi alam ko rin po na ako po ang aarte doon. So hindi ko rin po hahayaan na maging panget ang project,” pahayag pa ng aktres.

Sa unang bahagi ng Mayo, aarangkada ang 2021 batch ng Star Magic Summer Workshop sa pamamagitan ng online class.